1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Finance at Insurance

Quebec pension fund manager nalugi ng 7.9% sa unang kalahati ng 2022

Umaasa ang Caisse na ang resulta para sa merkado sa Hulyo ay magiging senyales ng better times ahead

Logo ng Caisse de dépôt et placement du Québec sa gusali.

Ang pension fund manager ng Quebec ay ang Caisse de dépôt et placement du Québec (archives).

Litrato: Radio-Canada

RCI

Ang pension fund manager ng Quebec, ang Caisse de dépôt et placement du Québec (CDPQ), ay kailangan mas pagbutihin ang kanilang trabaho habang nag-ulat ito ng negatibong return na halos walong porsyento para sa unang kalahati ng 2022.

Habang bumagsak ang stocks, ang net assets ng pension fund ay bumaba ng $28.2 bilyon, mula $420 bilyon naging $392 bilyon.

Na-outperform ng Caisse de dépôt et placement du Québec ang kanilang benchmark, na bumaba ng 10.5 porsyento, ngunit nag-post pa rin ito ng 7.9 porsyento na pagkalugi. Noong 2021, nakita ng institusyon ang return na 13.5 porsyento.

Sinabi ni Charles Émond, ang CEO ng Caisse de dépôt et placement du Québec, na ang pagkalugi ay sanhi ng kombinasyon ng mga factor na hindi pa nakita sa loob ng mga nakalipas na dekada, tulad ng napakataas na inflation at interest rates, corrections sa stocks at bond markets at ang digmaan sa Ukraine.

Ngunit binigyang-diin ng Caisse de dépôt et placement du Québec na sa loob ng lima at sampung taon na period, ang annualized returns ay nasa 6.1 porsyento at 8.3 porsyento, respectively.

Sa kabila ng pag-underperform ng real estate assets ng Caisse de dépôt et placement du Québec sa benchmark nito, nag-ulat pa rin ang sektor ng positibong returns na 10.2 porsyento. Ang imprastraktura ay nagkaroon ng positibong return na 5.8 porsyento.

Ang stock portfolio ang may pinakamasamang performance — nakita nito ang 16 porsyento na pagbaba para sa unang anim na buwan ng 2022.

Nakabawi ang mga merkado noong Hulyo, na maaaring saluhin ang pagkalugi ng fund sa pangalawang kalahati ng taon.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Batay sa ulat ni Pierre Saint-Arnaud

Mga Ulo ng Balita