1. Home
  2. Lipunan
  3. Imigrasyon

Record number ng Canadians sinabi na ang unang wika nila ay hindi Ingles o Pranses

Ang Ingles o Pranses ay nananatiling dominanteng wika, ipinakita ng bagong census data

Isang malaking grupo ng tao sa Wellingston Street na may mga dalang Canadian flag.

Nagtipon ang mga tao sa Wellington street sa harap ng Parliament Hill noong Canada Day sa Ottawa, Hulyo 1, 2022.

Litrato:  (Lars Hagberg/The Canadian Press)

RCI

Ang bilang ng mga Canadian na nagsasalita ng isang wika maliban sa Ingles o Pranses ay naabot ang record high noong 2021, ayon sa bagong census data na inilabas ngayong Miyerkules.

Ang Ingles at Pranses ay nananatiling dominanteng wika sa Canada ayon sa Statistics Canada, ngunit ang bilang ng mga tao na nagsasalita ng isang non-dominant language sa bahay ay lumaki sa 4.6 milyon, o humigit-kumulang 13 porsyento ng populasyon.

Samantala, at least isa sa apat na Canadians ang nag-report na mayroon silang at least isang unang wika bukod sa Ingles at Pranses.

Ang increase ay dahil sa pagtaas ng bilang ng mga Canadian na nag-report na sila ay nagsasalita ng predominantly South Asian languages, kasama ang Hindi at Punjabi.

Dagdag pa rito, pito sa sampung Canadians na ang unang wika ay hindi Ingles o Pranses ay sinabi na nagsasalita rin sila ng isang opisyal na lengguwahe sa bahay.

Ang Ingles at Pranses ang opisyal na mga wika sa Canada.

Isang artikulo ni Darren Major (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita