1. Home
  2. Mga Hukuman at Krimen
  3. Hustisya

Prominenteng kardinal sa Quebec damay sa sexual assault lawsuit laban sa Quebec diocese

Si Cardinal Marc Ouellet ay kabilang sa 88 na miyembro ng kaparian na nahaharap sa sexual assault allegations

Marc Ouellet nagmimisa.

Ang dating arsobispo ng diyosesis ng Quebec, si Cardinal Marc Ouellet, ay inakusahan ng sexual assault (archives).

Litrato: Getty Images / Christopher Furlong

RCI

Ang pangalan ng isang prominenteng Vatican cardinal, na nakikita bilang isang potensyal na successor ni Pope Francis, ay lumitaw sa listahan na inilahad sa publiko bilang parte ng bagong class action laban sa diyosesis ng Quebec, napag-alaman ng investigative program ng Radio-Canada na Enquête.

Si Cardinal Marc Ouellet, na naging arsobispo ng Quebec nang isinasagawa ang Truth and Reconciliation Commission, ay isa sa 88 miyembro ng kaparian na nahaharap sa mga alegasyon ng sexual assault. Ito ang unang pagkakataon na lumutang ang pangalan ni Ouellet sa legal proceedings.

Ang civil lawsuit na kumakatawan sa mahigit 100 biktima ay diumano’y sekswal na inabuso, ang karamihan sa kanila menor-de-edad, ng mga pari at iba pang staff na nagtatrabaho para sa diyosesis mula 1940.

Ang karamihan sa mga pang-aabuso ay naganap noong 50s at 60s, ayon sa class action documents.

Si Oullet sa ngayon ang pinakaprominenteng personalidad na kabilang sa listahan ng naturang class action, at isa sa may pinakamataas na posisyon sa Simbahang Katolika. Ang kardinal ay hindi nahaharap sa anumang kriminal na akusasyon.

Ang kanyang diumano’y biktima, na nakilala bilang F sa mga dokumento, ay isinagawa ang kanyang internship bilang pastoral agent mula 2008 hanggang 2010 kung saan sinabi niyang naganap ang assault. Nangyari raw ito sa mga pampublikong pagtitipon.

Hinawakan niya ako at pagkatapos … nilagay ang kanyang mga kamay sa aking likod, they went down pretty low, sinabi ng nagreklamo, na ibinahagi ang kanyang bersyon ng nangyari sa Enquête team ng Radio-Canada noong spring.

Quite intrusive para sa, sabihin natin na isang tao na aking superior, na arsobispo ng Quebec.

Doon sa encounter na iyon, sinabi diumano ng kardinal na ito ang pangalawang beses na sila'y nagkita noong linggong iyon at maaari na niyang halikan si "F" muli, dahil wala naman daw masama sa pagbibigay sa kanyang sarili ng kaunting treat.

Ginawa ako nun na very uncomfortable, lalo na sa salita na ‘pagbibigay ng treat’ sa kanyang sarili. Na para bang ako ang kanyang treat, aniya.

Ang mga alegasyon na ibinahagi ng naturang babae sa Enquête ay kapareho ng makikita sa mga dokumento ng kaso.

Sa iba’t ibang okasyon, hinatak diumano ni Ouellet ang babae malapit sa kanyang katawan, minasahe ang kanyang mga balikat o madiin na hinaplos ang likod niya hanggang sa spot kung saan nagsisimula ang puwet, at sa bawat pagkakataon lalo siyang hindi naging komportable.

Naramdaman ko na para akong hinahabol. Hanggang naging mas invasive na ito, mas naging intense hanggang sa punto na hindi na ako dumalo sa mga event. Sinubukan ko na iwasan siya as much as possible, aniya.

Noong panahon na iyon, si Ouellet ang arsobispo at pinuno ng diyosesis. Siya ang may final say kung sino ang maha-hire bilang pastoral agent, ayon kay Alain Arsenault, ang abogado na kumakatawan sa mga nagsampa ng kaso.

Mayroong isang batang babae na nasa kanyang mid-20s laban sa isang makapangyarihang lalaki na nasa posisyon ng awtoridad, na kilala sa buong mundo noong panahon na iyon, na nasa mga 60 anyos, aniya. Tulad ng karamihan sa mga biktima, she froze.

Bagama’t ang mga alegasyon laban kay Ouellet ay hindi gaanong seryoso sa pisikal na aspeto kaysa sa ibang mga kaso na binanggit sa class action, ang epekto sa biktima gayunpaman ay mahalaga rin, ani Arsenault.

It's hard to imagine na ang isang katulad niya na matalino, nasa posisyon, ay hindi nalalaman ang kanyang ginagawa at ang consequences nito, aniya.

Si Ouellet ay pinabalik muli sa Roma at na-promote bilang prefect para sa Dicastery of Bishops, ang departamento sa Vatican na responsable sa pamimili ng mga bagong obispo, noong 2010.

Sinabi ni F na noong umalis si Ouellet at pinalitan ni Gérald Cyprien Lacroix, ang kasalukuyang arsobispo ng Quebec, nagbago ang mga bagay-bagay.

Siya ay mas adjusted. Kung may pisikal na contact, ito ay isang simpleng handshake, aniya.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Batay sa ulat ng Enquête journalist na si Sylvie Fournier ng Radio-Canada

Mga Ulo ng Balita