1. Home
  2. Politika
  3. Pangmunisipal na Politika

Steven Del Duca tatakbo bilang alkalde sa Vaughan, Ont.

Nangako ang dating Ontario Liberal Party lider na lalabanan ang traffic gridlock sa lungsod

Close-up na kuha ni Steven Del Duca.

Dating Ontario Liberal Party Leader Steven Del Duca (archives)

Litrato: Radio-Canada / Chris Young

RCI

Ang dating Ontario Liberal Party Leader na si Steven Del Duca ay tatakbo para maging susunod na alkalde ng Vaughan, Ont.

Sa isang anunsyo ngayong Martes, sinabi ni Del Duca na siya ay nagdesisyon na sumali sa karera sa pagka-alkalde matapos gumugol ng oras upang i-re-evaluate ang kanyang kinabukasan sa politika kasunod ng kanyang resignation mula sa top job ng partido.

Noong Hunyo, bumaba sa puwesto ang dating Liberal lider bilang pinuno ng partido sa gabi ng halalan matapos mabigong manalo sa riding ng Vaughan-Woodbridge hilaga ng Toronto sa probinsyal na eleksyon habang nanalo lang ang kanyang partido ng walong puwesto.

Magpaparehistro bilang kandidato si Del Duca ngayong Martes ng umaga, kinumpirma ng kanyang tagapagsalita sa CBC Toronto.

Talagang excited ako tungkol sa pagtakbo [and] I’m taking nothing for granted. Talagang magtatrabaho ako ng really, really hard, ani Del Duca sa CBC Toronto noong Martes.

Mahal ko talaga ang komunidad and I am absolutely passionate tungkol sa public service.

Noong Hunyo, inanunsyo ni Vaughan Mayor Maurizio Bevilacqua na hindi na siya tatakbo para sa ikaapat na termino sa opisina. Sinabi ni Del Duca na nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho nang malapit si Bevilacqua, na umupo bilang Liberal MP bago naging mayor.

Si Del Duca, na dating nanilbihan bilang transportation minister ng probinsya at economic development minister, ay nangako na lalabanan ang lumalaking problema sa trapiko ng lungsod. Sinabi niya na ang kanyang karanasan bilang transportation minister ay nagbibigay sa kanya ng advantage para labanan ang traffic gridlock crisis sa Vaughan.

Nagkaroon tayo ng hindi ordinaryong paglaki sa komunidad na ito at kailangan natin ng transportation network na talagang makakasabay sa paglaki na iyon at tulungan tiyakin na ang mga tao ay may malakas na kalidad ng buhay, ani Del Duca.

Sa palagay ko ako ang tao na makakapag-deliver ng ganitong uri ng network.

Si Del Duca ay nakatira sa Woodbridge, Ont., kasama ang kanyang asawa, dalawang anak na babae at dalawang alagang aso.

Inanunsyo rin ni dating New Democratic Party (NDP) lider Andrea Horwath noong nakaraang buwan ang kanyang pagtakbo bilang alkalde ng Hamilton (bagong window).

Andrea Horwath nakangiti.

Dating New Democratic Party Leader Andrea Horwath (archives)

Litrato: CBC/Bobby Hristova

Si Horwath ay bumaba rin sa puwesto matapos ang probinsyal na halalan noong Hunyo sa kabila ng pagbabalik ng kanyang partido sa estado bilang opisyal na oposisyon sa pangalawang sunod na termino sa lehislatura. Pinamunuan niya ang provincial New Democratic Party sa loob ng 13 taon.

Ang munisipal na eleksyon sa Ontario ay nakatakdang maganap sa Oktubre 24.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula kay Ryan Jones at The Canadian Press

Mga Ulo ng Balita