1. Home
  2. Ekonomiya

Saan dapat maghanap ng murang renta sa Canada, habang pataas ito, muli

Sinabi ng isang taong matagal nang umuupa na nakakita siya ng ‘pockets’ of reasonable rentals sa Prairies

Isang sign sa harap ng bahay na nagsasabing 'For rent. 100% occupied.'

Ang average na upa para sa rental properties sa buong Canada noong Hulyo ay $1,934.

Litrato:  CBC News / David Horemans

RCI

Habang nag-ispaik ang presyo ng renta sa nakalipas na dalawang buwan, ang abot-kaya na pockets of rental housing ay naging mas mahirap hanapin.

Noong Hulyo, ang average na monthly cost para sa rental properties sa buong Canada ay nasa $1,934 — mas tumaas ng 10.4 porsyento kaysa nakaraang taon, ayon sa datos ng property listing company na Rentals.ca.

Ang parehong pagtaas noong Hunyo ay nakita ang average rent na nag-ispaik ng 9.5 porsyento.

Sinabi ng analysts na ang mataas na mga presyo ay itinutulak ng mas malaking demand para sa imbentaryo. At ang demand na iyon ay itinutulak ng ilang tao na umaalis sa malalaking siyudad, habang ang iba naman ay dinudumog ito.

Sinabi ni Ben Myers, presidente ng Bullpen Research and Consulting, isang real estate advisory firm na nagta-track ng presyo ng rentals sa Canada, na kung ikaw ay naghahanap ng magandang deal may mga lugar pa rin na inilarawan niya na medyo mura.

Isang tsart.Palakihin ang larawan (bagong window)

Isang tsart na nagpapakita ng average na renta kada buwan sa ilang lugar sa Canada.

Litrato:  CBC News / Rentals.ca

Iminungkahi niya ang paghahanap sa Red Deer o Lethbridge sa Alberta, o Saskatoon. Maaari kang makakuha ng two-bedroom ng mas mababa sa $1,150 kada buwan. Ito lahat ay tungkol sa kung saan ka makakapagtrabaho, ani Myers.

Basahin ang iba pang detalye sa istoryang ito (bagong window).

PANOORIN | Dahil sa mataas na mga presyo napag-iwanan ang ilang renters:

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita