1. Home
  2. Pandaigdig
  3. International Relations

Canada namataan ang kikitain sa critical minerals sa bagong climate bill ni Biden

Isang makasaysayang climate bill ang pumasa sa U.S. Congress na maaaring magkaroon ng impact sa Canada

Naka-mask si Joe Biden.

Joe Biden, ang presidente ng Estados Unidos.

Litrato: Reuters / Jonathan Ernst

RCI

Isang makasaysayang climate bill ang pumasa sa U.S. Congress na maaaring magkaroon ng mga implikasyon sa papel ng Canada sa paglipat sa clean transportation.

Ang batas na pumasa noong nakaraang linggo ay nag-establish ng preferential tax treatment para sa electric vehicles na in-assemble kahit saan sa North America. Ang made-in-North-America approach ay umani ng news headlines sa pamamagitan ng pagdadala ng mapayapang resolusyon sa alitan ng Canada at Estados Unidos na nagtagal ng ilang buwan.

Mas hindi napansin sa naturang batas ang pot of money na naglalaman ng daan-daang milyong dolyar para i-jump-start ang bagong domestic industry sa components para sa electric-vehicle batteries. Ang ripple-effects kinalaunan ay mararamdaman sa kabilang border, hanggang sa malalayong Canadian mining communities.

Kasama sa isyu ang lumalaking alalahanin ng Estados Unidos tungkol sa pagiging dependent sa malaking geopolitical rival nito, ang Tsina, para sa critical minerals na magpapatakbo sa mga sasakyan sa hinaharap.

Ginamit ni President Joe Biden ang U.S. Defense Production Act nitong unang bahagi ng taon, na pinahintulutan siyang maglagay ng pondo sa mga proyekto na babawasan ang dependence sa mga kalaban ng Estados Unidos.

Ngayon makakakuha siya ng pondo para gawin ito: $500 milyon US ang itinabi sa paparating na batas, pagkatapos ang isa pang $600 milyon ay isinama sa pinakahuling Ukraine assistance bill, bukod pa sa mas matandang multibillion-dollar loans program. Ang mga pondo na iyon ay nasa disposal ni Biden para ipatupad ang kanyang sinabing plano para magdebelop ng mga bagong supplier para sa lithium, nickel, cobalt, graphite, at manganese, gayundin ang heat pumps.

Dalawang sasakyan naka-park sa South Lawn ng White House.

Dalawang electric vehicles ang naka-park sa South Lawn ng White House, Agosto 5, 2021, sa isang event tungkol sa clean cars at trucks.

Litrato: Associated Press / Susan Walsh

Ang ilan ba sa mga perang iyon ay makakalikha ng bagong battery-component projects sa Canada? Umaasa ang mga opisyal sa Canada na mangyayari ito.

Tinukoy nila ang isang dokumento na kamakailan lang ay ipinost sa website ng White House, mula sa binational panel: Tahasang binanggit nito na kasama ang Canada bilang isang domestic source sa ilalim ng U.S. Defense Production Act at sinabi rin na lilikha ng potensyal na mga oportunidad para sa kooperasyon ukol sa critical minerals.

May oportunidad sa paraan kung paano ini-structure [ang bill] — para samantalahin ang ilan sa mga iyon, sinabi ni Kirsten Hillman, ang ambasador ng Canada sa Washington, sa CBC News. Ito ay magpapasigla sa domestic production [sa Estados Unidos]. At kasama rito ang Canada bilang isang domestic source. Kaya inaasahan namin ang shared opportunities.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita