1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

Inflation rate ng Canada bumaba sa 7.6%

Bumaba mula sa 39-year high noong Hunyo na 8.1 porsyento

Mga namimili sa labas ng isang grocery store.

Ang mga shopper na namimili ng groceries sa Vancouver nitong unang bahagi ng taon.

Litrato:  CBC News / Ben Nelms

RCI

Ang inflation rate ng Canada ay bumagsak sa 7.6 porsyento noong Hulyo, ayon sa ulat ng Statistics Canada ngayong Martes.

Noong Hunyo, umabot ang inflation sa 39-year high sa 8.1 porsyento, ang presyo ng gasolina ang single biggest contributor sa buong pagtaas ng rate.

Salungat dito, ang presyo ng gasolina ay bumaba sa isang buwanang batayan noong Hulyo, ayon sa data agency. Ang non-durable goods tulad ng natural gas at groceries ay tumaas.

Ang mas mataas na presyo para sa mga serbisyo tulad ng flights, mga pagkain sa restawran at paglagi sa mga hotel ang contributing factors sa month-over-month na pagtaas.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita