1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

Home sales bumaba ng 5.3% noong Hulyo, nagbalik sa pre-COVID levels

Ang pinakamaliit na pagbaba sa home sales mula noong slowdown na nagsimula 5 buwan na ang nakalipas

Isang "For Sale" sign sa harap ng bahay.

Patuloy na lumalamig ang housing market ng Canada (archives).

Litrato: (Chad Hipolito/The Canadian Press)

RCI

Nagpatuloy ang paglamig ng housing market sa Canada noong Hulyo, ang average na presyo ng bahay ay nasa $629,971 — isang pigura na bumaba ng $104,000 kapag hindi isinama ang merkado sa Greater Toronto Area at Vancouver — kumpara sa average na presyo noong Hunyo sa $665,850.

Ang volume ng home sales ay bumaba rin, bumagsak ng 5.3% sa month-over-month na batayan. Minarkahan nito ang pinakamaliit na pagbaba sa sales mula nang magsimulang bumagal ang housing activity limang buwan na ang nakalipas, ayon sa buwanang statistics report na inilabas ng Canadian Real Estate Association (CREA) ngayong Lunes.

Ipinapakita ng report na ang housing activity ay nagbalik na sa pre-pandemic levels, at nagpapatuloy na mag-stabilize ang housing market matapos ang dalawang taon na pandemya na siyang nagpainit sa Canadian housing activity kasama ang record-setting sales prices at selling volumes.

Ang pag-init na iyon ay tumigil nang taasan ng Bank of Canada ang interest rates nitong unang bahagi ng 2022, lumobo rin ang mortgage prices at binigyan ang buyers ng less bang for their buck.

Ang Greater Toronto Area, Greater Vancouver at ang Fraser Valley, Calgary at Edmonton ang nanguna sa pagbaba ng home sales, na naganap sa three quarters ng lahat ng local markets, ayon sa pahayag ng Canadian Real Estate Association.

Nakita noong Hulyo ang pagpapatuloy ng trends na binabantayan natin ng ilang buwan na ngayon; ang sales ay bumababa at ang presyo ay bumabagsak sa ilang mas mahal na parte ng bansa gayundin sa mga lugar kung saan tumaas nang husto ang mga presyo sa nakalipas na dalawang taon, sinabi ni Canadian Real Estate Association chair Jill Oudil sa national statistics report.

Dagdag pa niya habang ang lakas ng demand ay hindi pa rin nawawala mula noong unang bahagi ng taon, ang ilang buyers ay malamang maghihintay muna hanggang makita nila kung ano ang mangyayari sa borrowing costs at prices. Habang papasok sila muli sa merkado, makakakita sila ng mas maraming pagpipilian, ngunit hindi kasing dami ng inaasahan.

Isang tsart.Palakihin ang larawan (bagong window)

Isang tsart na nagpapakita ng average home price sa Canada mula Pebrero 2022.

Litrato:  CBC News

Ang bagong listed properties ay bumaba rin ng 5.3% — nagkataong kapareho ng numero ng pagbaba ng home sales — na indikasyon na ang ilang nagbebenta ay naglalaro ng waiting game, ayon kay Shaun Cathcart, ang senior economist ng Canadian Real Estate Association.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Bahagi ng artikulo ni Jenna Benchetrit (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita