1. Home
  2. Kalusugan
  3. Trabaho

Pinay nurse na nag-aral sa Pilipinas pinayagang magtrabaho sa Manitoba matapos umapela

Unang sinubukan ni Sigua na maging nurse sa Manitoba noong 2013 pero 'di pinayagan ng nursing regulation body

Si Ronna Sigua kasama ang isang lalaki at maliit na bata.

Si Ronna Sigua ay nag-aral sa Pilipinas at na-accredit na magtrabaho sa Quebec at Ontario bilang registered nurse.

Litrato: Ronna Sigua

RCI

Nanalo ang isang foreign-educated na Filipina nurse sa apela at pinayagan nang magtrabaho sa Manitoba — isang mahalagang development na in-overrule ang nursing regulator sa probinsya, na makailang ulit na tumangging bigyan siya ng lisensya dahil sa isang nursing competency test requirement.

Ang appeal panel ng Council of the Colleges of Registered Nurses of Manitoba ay unanimously na ipinag-utos noong Huwebes na pahintulutan si Ronna Sigua na mairehistro sa provincial college of registered nurses.

Ang hindi siya pahintulutan, ayon sa desisyon ng konseho na nakuha ng CBC, ay paglabag sa Canadian free-trade laws, na kailangan sundin ng college sa ilalim ng Regulated Health Professions Act.

Si Sigua, na nag-aral sa Pilipinas, ay hindi pinayagan na mairehistro noong 2013 ng Manitoba college maliban kung siya ay mag-a-upgrade ng kanyang basic nursing education. Sinabihan siya, gayunpaman, na kailangan niya ng mas maraming edukasyon na maaaring ibigay ng Manitoba noong panahon na iyon sa pamamagitan ng dalawang programa para sa international applicants.

Sa halip tinapos ni Sigua ang isang Quebec-based upgrading program, pumasa sa Quebec professional nursing exam at naging lisensyado roon noong 2019, at isang taon ang nakalipas, naging lisensyado rin siya sa Ontario.

Si Sigua ay nag-apply muli para sa Manitoba registration noong Marso 2021 bilang isang labour-mobility applicant, dahil nakita niya na siya ay rehistrado sa ibang lugar sa Canada.

Na-deny siya muli ng College of Registered Nurses of Manitoba, at sinabi nito na kailangan niyang sumailalim sa isang clinical competency test. Sa halip, nag-file si Sigua ng apela, at dininig ito noong Hulyo 26.

Ang appeal panel, na pinangunahan ng public representative at dating Law Society of Manitoba president na si Irene Hamilton, ay naniniwala na ang pagtanggi ng college na bigyan ng lisensya si Sigua ay hindi pwedeng manaig, ayon sa apat na pahinang desisyon.

Nag-quote ang ruling mula sa free-trade agreements na pinapayagan ang signatories na i-certify ang mga tao na nagtatrabaho sa regulated na mga propesyon sa isang hurisdiksyon na magtrabaho sa ibang hurisdiksyon na walang anumang requirement para sa anumang materyal na dagdag training, karanasan, eksaminasyon o assessment bilang parte ng proseso.

Desisyon ng panel na ang mga probisyon na ito ay nag-a-apply kay Bb. Sigua, ayon sa ruling. Kung kaya pinapayagan namin ang kanyang apela at ipinag-uutos sa Council of the Colleges of Registered Nurses of Manitoba na irehistro si Bb. Sigua bilang isang registered nurse sa Manitoba.

'Stressful, mahal' na apela

Ang abogado na taga-Winnipeg na si Evan Edwards, na kumakatawan kay Sigua, ay sinabi na ang desisyon ay maaaring may mas malawak na implikasyon.

Si Bb. Sigua ay nagagalak sa desisyon … na importante para sa maraming nurses na nais magtrabaho sa Manitoba, aniya sa isang emailed statement.

Siya ay naglu-look forward sa pagbabalik trabaho bilang isang registered nurse at pagkakaroon ng oportunidad na tulungan na pagaanin ang pasanin ng strained health-care system, ani Edwards.

Ngunit ang paglaban sa kaso ay nagkaroon ng mabigat na epekto sa kanya at iba pang tao na nasa parehong posisyon, gayundin ang provincial health system, ayon sa abogado.

Para sa kanya ang litigasyon ay lumamon ng kanyang oras, stressful, mahal, at sa kanyang opinyon, completely unnecessary. At saka, habang lumalaban ang college sa kaso na ito, ang probinsya ay na-deprive ng kinakailangan na mga serbisyo ng ilang fully qualified registered nurses, ani Edwards.

Ang desisyon ay dumating sa isang panahon na ang provincial health ministry ay tinatanggal ang mga hadlang para sa mga nurse na nasa parehong posisyon ni Sigua, habang nakikipagbuno ang Manitoba sa isang nursing shortage, na tinawag ni Health Minister Audrey Gordon noong Huwebes na isang krisis.

Nag-isyu si Gordon ng isang compliance order na pinuwersa ang nursing college na alisin ang requirement na mapasailalim pa sa dagdag na testing ang internationally educated nurses na lisensyado na sa ibang Canadian jurisdictions kung sinusubukan nila sa pangawalang pagkakaton na makakuha ng lisensya sa Manitoba.

Kuha ni Audrey Gordon sa loob ng isang opisina.

Manitoba Health Minister Audrey Gordon (archives)

Litrato: Radio-Canada / Walther Bernal

Iginiit ng order na ang demand para sa clinical competence assessment ng college — na sinabihan si Sigua na dapat niyang pagdaanan muli ngunit pagkatapos ay hinamon — ay lumalabag sa domestic trade agreements at Labour Mobility Act ng Manitoba. Hindi lahat ng Canadian jurisdictions ay nagre-require ng parehong clinical competence assessment.

Sinabi sa desisyon ng appeal panel na ito ay prinisentahan ng order ni Gordon noong Hulyo 26, ang araw ng pagdinig sa kaso ni Sigua — ngunit pagkatapos lamang ng deliberasyon at pag-abot sa isang desisyon tungkol sa kanyang kaso.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula kina Peggy Lam at Ian Froese

Mga Ulo ng Balita