1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Imigrasyon

Canadian veterans hinikayat ang Canada na ’wag iabandona ang Afghans na gustong tumakas

Hinikayat ng mga beteranong Canadian na 'wag pabayaan ang Afghan refugees

Nagtipon ang isang pulutong ng grupo sa isang konkretong istraktura.

Libo-libong refugee ang naghihintay sa labas ng paliparan ng Kabul noong Setyembre 2021 matapos kontrolin ng Taliban ang Afghanistan (archives).

Litrato: Gracieuseté : David Lavery

RCI

Isang taon na ang lumipas matapos bumagsak ang Kabul sa kamay ng Taliban matapos umalis ang Amerika at allied troops — kasama ang Canada — sa bansa.

Ipinapakita sa video footage ang mga Afghan na nagpunta sa tarmac sa paliparan ng Kabul, desperado na makatakas, habang ang isang U.S. air force plane ay lumipad. Ang ilan namatay habang sinusubukang kumapit.

Nakita namin kung paano naganap ang kakila-kilabot na sitwasyon na iyon … nakita namin mangyari ang napakalaking sakuna na iyon sa Kabul, ani Brian Macdonald.

PANOORIN | White House nabigo na wastong planuhin ang withdrawal ng Afghanistan troop, ayon sa ulat na pinangunahan ng Republicans:

Bilang isang beteranong Canadian na nagsilbi sa Afghanistan, pinangunahan ni Macdonald ang non-profit na Aman Lara, na Pashto para sa Sheltered Path. Ang kolektibong grupo ng mga beteranong Canadians at dating interpreters ay nagtatrabaho sa nakaraang taon upang dalhin ang mga refugee sa kaligtasan dito sa Canada.

Nang hindi namin sila nakuha noong nakaraang taon, it was devastating. Pero mula noong nagsama-sama kami, nakuha namin ang mga 3,000 na tao, aniya.

Ngunit ito ay naging isang mabagal at mapanganib na proseso na kinailangang magdaan ang refugees sa Taliban para makakuha ng pasaporte.

Ang mga taong ito na tinulungan ang Canada ay kailangan ngayon manindigan at pumunta sa opisina na kontrolado ng Taliban at ibigay ang kanilang pangalan at address at mga petsa ng kapanganakan ng kanilang mga anak, ani Macdonald. Napaka-delikadong gawin.

May pag-asa ngayong Hunyo, nang sumang-ayon ang Pakistan na panandaliang pahintulutan ang Afghan refugees na naaprubahan ng Canada na tumawid sa kanilang border, na walang pasaporte o visa.

Ngunit sinabi ni Macdonald na naabutan nila ang mga hadlang sa pagdadala sa mga refugee na iyon sa Canada. Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita