1. Home
  2. Lipunan
  3. Biyahe

Passport delays inudyok ang Canadians na dayain ang sistema gamit ang fake travel plans

Hindi maiwasan ng ilang Canadians na maging creative para malusutan ang mahabang pila sa pagkuha ng pasaporte

Maraming tao sa labas ng gusali ng Service Canada.

Ang pila ng halos 300 katao ay nabuo bago sumikat ang araw sa labas ng Service Centre sa Laval, Que., noong Hulyo 30.

Litrato: Gisela Frias

RCI

Nagiging creative ang mga Canadian na sinusubukang iwasan ang mahabang paghihintay para sa mga pasaporte na nabinbin ng halos limang buwan matapos mag-surge ang travel demand pagkatapos ng pandemya na dinaig ang sistema.

Mula Agosto 11, may kabuuan na 1,092,560 passport applications na ang ipinasa ngayong taon — at mahigit 550,000 sa mga aplikasyon na iyon ay naipasa mula pa noong Abril. Sinabi ng Service Canada na binibigyan nila ng prayoridad ang aplikasyon ng mga taong magbibiyahe kaagad, dinagdagan din nito ang kanilang staff at processing sites.

Sa kabila ng lahat ng ito, sinabi ng mga aplikante na sila ay gumagastos ng libo-libong dolyares para makapagbiyahe sa mas hindi busy na passport offices — o ‘di kaya ay pinepeke ang kanilang travel plans para mapabilis ang proseso at maungusan ang 340,000-application backlog.

Sa Toronto, isang lalaki na sumang-ayon ang CBC na tawaging Robert, ay ikinuwento na ginugol niya ang nakalipas na 59 na araw sa pag-oorganisa ng 10 staffers para i-hold ang mga spots sa pila para sa humigit-kumulang 500 absent passport applications. Sinabi niya na siya ay kumikita ng hanggang $1,000 kada araw para sa pag-aalok ng serbisyong ito.

Ang ilang biyahero pumunta pa sa mga opisina ng Service Canada sa labas ng probinsya kung saan ang pila ay hindi kasing haba, habang ang ilan ay binanggit ang mas maikling paghihintay sa Halifax, Nova Scotia o St. John’s sa Newfoundland and Labrador.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita