1. Home
  2. Politika
  3. Pangprobinsiyang Politika

‘Vote for Real’: Inilahad ng Quebec Liberal Party ang kanilang slogan para sa eleksyon

Nagbigay ng talumpati si Anglade sa ika-40 na youth convention ng partido sa Montreal noong Sabado

Mga tao sa entablado habang nagsasalita si Dominique Anglade sa podium. Nasa screen ang isang slogan na nagsasabing 'votez vrai.'

Quebec Liberal Party leader Dominique Anglade nagsalita sa youth conference ng partido sa Montreal noong Sabado.

Litrato: La Presse canadienne

RCI

Ang Quebec Liberal Party (PLQ) ay may bagong slogan: “Real issues. Real solutions.”

Inanunsyo ang tagline noong Sabado ng lider ng partido na si Dominique Anglade sa kanyang pambungad na talumpati sa ika-40 na convention ng youth wing ng partido sa Montreal, halos dalawang buwan bago ang probinsyal na halalan sa Oktubre 5.

Nagpokus si Anglade sa mga isyu tungkol sa cost-of-living, ini-highlight ang pagtaas ng inflation, presyo ng mga bahay at grocery bills.

Inakusahan niya ang Coalition Avenir Québec ni Premier François Legailt, ang nangunguna sa polls, na sinusubukang magtanim ng dibisyon at umiiwas sa accountability, iginiit na ang diversity ay isang lakas, hindi kahinaan, at ang mga Liberal ay ipagtatanggol ang karapatan ng lahat ng taga-Quebec.

Ang plataporma ng mga Liberal, na inilabas noong Hunyo, ay nangangako na babaan ang buwis para sa middle class, ibasura ang welcome tax para sa first-time homebuyers at baguhin ang lahat ng non-subsidized na mga daycare sa subsidized daycare para sa universal access sa mga espasyong ito sa halagang $8.70 kada araw.

Tinukoy rin ni Anglade ang humahabang listahan ng wait-lists para sa family doctors at nauupos na sistemang pangkalusugan, na napagod nang husto dahil sa higit dalawa at kalahating taon ng COVID-19 na pandemya.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita