1. Home
  2. Teknolohiya
  3. Internet

[Ulat] Interactive community site para sa mga Pinoy sa Canada inilunsad ng isang Pinay

Naghahanap ka ba ng kapitbahay sa Canada?

Babae nakaupo sa opisina at gumagamit ng computer.

Nasasabik si My Kapitbahay founder Rose Ami-Seaborn na ipakilala ang interactive community site kung saan maaaring magtagpo-tagpo sa naturang platform ang komunidad ng Filipino Canadians.

Litrato: R. Ami-Seaborn

Rodge Cultura

Isang ambisyosong proyekto ang inilunsad kamakailan ni Rose Ami-Seaborn, isang Filipino Canadian sa Ajax, Ont. Ang kanyang layunin ay maikonek ang Filipino Canadians saanman sila naroon sa iba-ibang komunidad sa buong Canada. Batay sa 2016 census ng Statistics Canada, may 837,130 na Pilipino na naninirahan sa bansa.

Ang My Kapitbahay (My Neighbor) ay isang community site na katulad sa Facebook pero may mga katangian na dinisenyo para maibahagi ng mga Pilipino sa Canada ang mga nagaganap at ginagawa sa kanilang komunidad.

Our community is so big that there are like 1 million Filipinos in Canada now. We do not have our own national platform where we can connect to each other and use it as a platform to voice out and make our voices heard, sabi ni Rose.

Sa ‘What’s up Canada’ mababasa ang updates at trending topics sa mga kaganapan sa Canada at maging sa Pilipinas na interesting o kaya ay nakakaapekto sa Canadian Pinoys.

Screenshot ng My Kapitbahay website.

Isang interactive community site ang naisip ni Rose Ami-Seaborn para mapalapit at maging magkakapitbahay ang mga Pilipino sa Canada.

Litrato: (Screenshot)

Ang ‘New to Canada’ naman ay isang section sa site kung saan mababasa ng lahat ng users ang mga impormasyon na nakakatulong at magsisilbing gabay kung ano at paano halimbawa makakuha ng health at medical care plan sa mga probinsya at teritoryo ng Canada. Makakakuha naman ng impormasyon sa paggagamitan at paano makakakuha ng social insurance number ang newcomers.

Sana gamitin niyo po ang platform na ito at maging proud po kayo na meron na tayong platform. Huwag po kayong mahihiya na magtanong. Lalo na 'yung section ng Tambayan. It is really created so you can voice out and ask questions [on] whatever issues you have, ani Rose.

Gamit ang 'Dati Ko Na Yan' ay pwedeng magbenta, mag-donate o kaya ay magparenta ng gamit sa site.

Pero kung isang negosyanteng Pilipino at may produkto o serbisyo na ibinebenta ay kailangan i-explore ang PinoyPreneurs feature bago magamit ang PinoyMarketplace ng interactive community site.

Sa sinimplehan na kalendaryo makikita at makakapagplano ng iskedyul ng community events para sa isang lugar. Naisip ni Rose na sa pamamagitan nito mapaghahandaan, mapagtutulungan at magagawang iwasan ang sapawan ng mga event sa komunidad kung alam na ang nakalinyang events kada buwan.

Wala tayong central calendar sa lahat ng events ng Filipinos sa Canada. Sa katunayan, nalilito din ang mga government officials sa iskedyul dahil triple ang events minsan [sa isang araw] dito. Naranasan ko ['yan] sa pagiging producer [ko] ng events. Mas maganda siguro 'yung organized ang calendar natin bago ka mag-book ng concert [halimbawa] para sa pipiliing araw. Mas makakabuti na alam natin ang mga magaganap sa araw na 'yun para hindi na nag-aaway-away ang mga iskedyul at ang mga tao nakasuporta sa events, paliwanag ni Rose.

Babae nakaupo malapit sa mesa habang hawak ang isang cellphone.

Si Rose Ami-Seaborn ay dating nagtatrabaho sa isang publishing business sa loob ng mahigit isang dekada. Pinasok niya ang real estate industry at naging mortgage broker mula noong 2010.

Litrato: R. Ami-Seaborn

Naisip ni Rose kasama ang kanyang dating mga ka-team ang konsepto noong magpandemya taong 2020.

Noong Abril 2021 ay umpisa niyang binuo ang konsepto at plano. Sinuyod niya ang cyberspace para makahanap ng isang web development company. Pinasok niya ang isang kasunduan para idebelop na ang My Kapitbahay buwan ng Disyembre noong nakaraang taon.

Ang interes ni Rose para makahanap ng paraan na makonekta ang mga Pilipino sa Canada ay nag-ugat noon sa kanyang karanasan habang nagtatrabaho sa isang publishing company sa Toronto.

Hangad ko ang makatulong. This is a form of public service for the community, to help in one shape or form kaya nga itinayo namin ang platform. Besides, dahil napakadami na nating mga Pilipino kulang tayo sa platform, aniya.

Ang My Kapitbahay ngayon ang unang interactive community site na dinisenyo ng isang Pinay sa Canada at may potensyal na maikonekta ang mga komunidad ng Filipino Canadians.

Ma-a-access at magagamit na ang community site na My Kapitbahay (bagong window) online. Pero work-in-progress pa ang ilang sections ng site sa ngayon.

"Pwede ka mag-post tungkol sa pagkain, mga tao at lugar na iyong napuntahan saan ka man dito sa Canada. Ang 80% ng site ay user-driven siya. Tanging dalawang sections lang ang mina-manage namin. Ang What's Up Canada at ang New to Canada sections. But all other sections are interactive and can be driven by the users katulad ng Facebook.”

Ang ipinagmamalaki ni Rose kumpara sa ibang social media site ay nakasentro sa mga bagay na nag-uugnay sa mga Filipino Canadians ang disenyo sa binuksan na interactive community site.

Rodge Cultura

Mga Ulo ng Balita