1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Telekomunikasyon

Telus humingi ng permiso sa CRTC para sa dagdag 1.5% credit surcharge sa customer bills

Ang bagong surcharge ay magsisimula sa Oktubre, kung aaprubahan ito ng regulator

Isang babae na nakatingin sa kanyang smartphone.

Ang ilang wireless customers na magbabayad ng kanilang bill gamit ang credit card ay maaaring makakita ng extra surcharge kada buwan, kung aaprubahan ng CRTC ang proposal ng Telus.

Litrato: Reuters / Carlos Barria

RCI

Kung magbabayad ka ng iyong cellphone bill gamit ang credit card, maaaring magbayad ka ng bagong fee para rito.

Humihingi ng permiso ang Telus sa Canadian Radio-television and Telecommunications Commission (CRTC) na magdagdag ng 1.5% surcharge sa mga bill ng kostumer na magbabayad ng kanilang bill gamit ang credit card. Kung maaprubahan, ito ay ipatutupad ng Telus sa Oktubre.

Para sa isang theoretical customer sa Alberta na ang cellphone bill ay nasa $100, ang charge sa kanilang bill ay magiging $106.66 — $100 para sa basic bill, plus $5 para sa GST, $1.58 surcharge para sa bagong fee bukod doon, plus 8 cents sa GST ng surcharge.

Habang ang Canadian Radio-television and Telecommunications Commission ang magdedesisyon tungkol dito, tila ang plano ay isa ng done deal sa pahayag ng telecom company sa CBC News.

Ang fee na ito ay tutulungan kami na bawiin ang bahagi ng processing costs na ipinapatong sa amin para tanggapin ang credit card payments, at ang average cost ay magiging humigit-kumulang $2 para sa karamihan ng mga kostumer, sinabi ng kompanya, binigyang-diin ng Telus na madali itong maiiwasan kung magbabayad sa bangko, sa pamamagitan ng debit transaction o ano pang ibang paraan.

Nag-reach out ang CBC News sa Rogers at Bell para alamin kung mayroon silang anumang katulad na plano, ngunit ang kinatawan ng parehong kompanya ay hindi sumagot sa request na iyon sa loob ng isang business day.

Basahin ang tungkol sa mga reaksyon sa proposed fee dito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita