1. Home
  2. Sining
  3. Musika

Pinakabagong coin ng Canada nagbigay-pugay kay Oscar Peterson

Si Peterson na ipinanganak sa Montreal ay ikinokonsidera na isa sa pinakamahusay na jazz pianists

Isang babae katabi ang malaking mock-up ng commemorative coin tampok si Oscar Peterson.

Kelly Peterson, ang balo ni Oscar Peterson.

Litrato: Radio-Canada

RCI

Ang Montreal pianist at jazz musician na si Oscar Peterson ay binigyan ng parangal sa pamamagitan ng isang commemorative coin, na inilabas ngayong araw.

Si Peterson, na namatay noong 2007, ay isa sa pinakamahusay na musician ng Canada at inalala bilang isa sa pinakamagaling na jazz pianists sa lahat ng panahon.

Nag-isyu ang Royal Canadian Mint ng $1 commemorative circulation coin upang parangalan ang kanyang hindi ordinaryong talento at enduring musical legacy, sinabi ng mint sa isang pahayag.

Ang buong siyudad ay nare-realize na finally yes, nagkaroon kami ng pinakamahusay na piyanista sa buong mundo, na namuhay dito, sa bansang ito. At ako ay very, very proud na siya ay aking kaibigan, ani Oliver Jones, isang collaborator at malapit na kaibigan.

Lumaki sa Saint-Henri neighbourhood sa Montreal, nagsimula si Peterson sa pamamagitan ng pagtugtog para sa predominantly immigrant at Black communities sa katimugang bahagi ng lungsod. Bagama’t sumikat si Peterson sa buong mundo sa sumunod na mga taon, nanatili ang kanyang koneksyon sa lokal na talento at Canadian artistry.

Tampok sa coin si Peterson na tumutugtog ng piano at ang mga nota ng musika na tumutugma sa kanyang 1962 composition na Hymn to Freedom, na naging awit para sa civil rights movement noong 1960s.

Ang commemorative coin ni Oscar Peterson.

Ang $1 commemorative coin ni Oscar Peterson ay idinisenyo ni Valentine De Landro.

Litrato: Royal Canadian Mint

Mayroon ding silver $20 coin na available sa mint.

Ang coin ay magsisimulang i-circulate sa susunod na Lunes, Agosto 15, ang ika-97 na kaarawan sana ni Peterson.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita