1. Home
  2. Lipunan

Downtown Toronto tinamaan ng major power outage, mga 10,000 ang nasa dilim

Sinabi ng Toronto police na ang sanhi ng outage ay hindi pa natutukoy

Patay na mga billboard sa kahabaan ng Yonge Street.

Ang mga billboard at street lights ay namatay sa Yonge Street ngayong Huwebes.

Litrato:  CBC News / Mirna Djukic

RCI

Libo-libo ang nawalan ng kuryente sa downtown Toronto sa gitna ng Hydro One outage at sinabi ng utility na “lahat ay tumutulong” para madetermina ang naging sanhi nito.

Sinabi ni Hydro One spokesperson Tiziana Baccega Rosa sa CBC News na ang utility ay nakakaranas ng isang outage sa kanilang transmission system, na naapektuhan ang supply sa Toronto Hydro at mga kostumer sa downtown core.

Lahat ay tumutulong para maintindihan ang sanhi at upang i-re-route ang kuryente as quickly as possible, ani Rosa.

Sinabi ng Toronto Hydro na ang outage ay naapektuhan ang tinataya na 10,000 customers, at ang nasa loob at paligid ng mga sumusunod na boundaries ay maaaring maapektuhan:

  • Hilaga ng Carlton Street hanggang sa timog ng Queens Quay East, at York Street silangan ng Bayview Avenue.

  • Hilaga ng The Esplanade south hanggang Queens Quay East, at Church Street east hanggang Lower Jarvis Street.

Sinabi ng Toronto Fire Services na may at least isang dosenang elevator rescue calls sa buong downtown bilang resulta ng outage sa ngayon.

Maraming office buildings sa financial district ng Toronto at sa kampus ng Toronto Metropolitan University ang nawalan ng kuryente, at maraming mga traffic light ang namatay.

Nag-isyu ang Toronto Metropolitan University ng alerto bandang 1 n.h. at pinayuhan ang mga tao sa kampus na agad mag-evacuate, sinabi rin nito na ang outage ay maaaring makompromiso ang ilang building safety systems, tulad ng fire detection at sprinkler systems.

Lahat ng klase, labs o exams sa Toronto Metropolitan University campus ay inaasahan na ititigil pansamantala habang nagaganap ang evacuation. Inabisuhan ng eskuwelahan ang mga empleyado na maghanap ng alternatibong lugar para magtrabaho o mag-break nearby hanggang hindi nareresolba ang outage.

Sinabi ng TTC na ang mga kostumer ay maaaring makaranas ng major delays sa lahat ng streetcar routes sa downtown core.

Samantala, sinabi ng Metrolinx na sa kasalukuyan walang impact ang outage sa PRESTO, GO Transit o UP Express services, at ang Union Station ay may full power. Sinabi nito na mino-monitor nila ang sitwasyon at ia-update ang mga kostumer kung maaapektuhan ang mga serbisyo. Dagdag pa ng kompanya, mayroon din silang back-up generators kung kinakailangan.

Sinabi ng pulisya na ang sanhi ay hindi pa natutukoy sa kasalukuyan at pinapaalalahanan ang mga tao na tratuhin ang mga intersection bilang four-way stops habang wala pang kuryente ang mga traffic light.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula sa Canadian Press

Mga Ulo ng Balita