1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Polusyon

Plastics producers hiniling sa korte na pigilan ang ban sa single-use plastic products

Ito ang pangalawang lawsuit na isinampa ng Responsible Plastic Use Coalition

Isang bungkos ng straw.

Mahigit dalawang dosenang plastic makers ang hinihiling sa Federal Court na pigilan ang plano ng Canada na i-ban ang ilang single-use plastic items kasama ang mga straw, cutlery at takeout container.

Litrato: La Presse canadienne

RCI

Mahigit dalawang dosenang plastic makers ang humihiling sa Pederal na Korte na pigilan ang plano ng Canada na i-ban ang single-use plastic items tulad ng mga straw, cutlery at takeout container.

Ito ang pangalawang lawsuit na isinampa sa korte ng koalisyon ng plastic makers na tinatawag ang kanilang sarili na Responsible Plastic Use Coalition.

Ang unang kaso ay isinampa noong 2021 na naglalayong baligtarin ang desisyon ng gobyerno na i-designate ang plastics bilang toxic sa ilalim ng Canadian Environmental Protection Act.

Ginamit ni Environment Minister Steven Guilbeault ang designation na iyon upang ilathala ang mga regulasyon na magbabawal sa pagbebenta, pag-import at produksyon ng anim na plastic items.

Nagsasalita si Steven Guilbeault sa mikropono.

Environment Minister ng Canada, Steven Guilbeault (archives).

Litrato: The Canadian Press / Chad Hipolito

Ang pangalawang lawsuit ay isinampa noong kalagitnaan ng Hulyo na hinihiling sa Pederal na Korte na iwaksi ang ban, pagbawalan ang gobyerno mula sa paggamit ng akto upang i-regulate ang single-use plastics at pigilan ang pagpapatupad ng ban pansamantala.

Sinabi ni Guilbeault na siya ay confident na ang mga regulasyon ng gobyerno ay mananatili at mas gusto niyang makatrabaho ang industriya na mag-i-improve sa recycling kaysa labanan ang sektor sa korte.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita