1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

Tapos na ba ang pinakamalalang inflation?

Nag-peak na ba ang mataas na inflation sa Canada?

Patong-patong na construction wood.

Ang lumber ay bumaba ng 50% sa commodity markets mula Marso, isang sign na ang inflation ay maaaring nag-peak na.

Litrato: Radio-Canada / Michel Nogue

RCI

Wala na sa kontrol ang inflation, ngunit may mga senyales na ang mga presyo ay hindi nagbabago at sa ilang kaso bumababa. Ang lumber, langis, copper at mga pananim ay kabilang sa mga bagay na humina ang inflation.

Sa palagay ko nag-peak na, ani Mace Mortimer, ang kapwa may-ari ng Alloy Homes, isang custom homebuilder sa Calgary. At sa palagay ko magho-hold ito.

Ang isang bariles ng krudo ay bumaba ng 20% mula Hunyo, at ang copper ay bumaba ng 25% mula Marso. Ang canola at mais ay parehong nawalan ng 25% ng value nito mula Mayo, habang ang wheat ay bumagsak ng 40%.

Noong nakaraan na dalawa o tatlong buwan, ang presyo ng aming mga pananim ay nasa all-time highs o napakalapit sa all-time highs, depende sa tanim. Halos across the board nakikita natin ngayon ang isang substantial pullback [ng mga presyo], ani Jonathan Driedger, isang analyst na nakabase sa Manitoba sa LeftField Commodity Research. Ang mga pagbabago na ito sa presyo ay maaaring umabot ng ilang buwan pa bago maramdaman sa grocery store, bagama’t ang mga presyo ng pagkain ay bumababa na sa buong mundo, ayon sa United Nations.

Tungkol naman sa real estate, mataas pa rin ang rate ng renta, pero ang presyo ng mga bahay na lumobo noong pandemya ay bumababa na ngayon sa maraming siyudad sa Canada.

Sa Estados Unidos, ang mga bagong pigura na inilabas noong Miyerkules ay ipinakita na ang inflation ay maaaring nagpi-peak na habang ang rate ay bumaba mula 9.1% noong Hunyo sa 8.5% noong nakaraang buwan. Ito ang nagbibigay pag-asa na ang inflation numbers ng Canada sa susunod na linggo ay maaaring magpakita ng mga senyales ng improvement. Habang tinitingnan nila ang commodity, job at real estate data, kasama ang iba pang estadistika, inaasahan ng ilang ekonomista na ang inflation rate ay bababa na matapos umabot ng 8.1% noong Hunyo.

PANOORIN | Inflation nagpakita ng senyales ng pagbagal habang bumaba ang presyo ng ilang commodities:

Ang bumababa na commodity at real estate prices ay dapat magbigay ng kaginhawahan sa mga konsumer. At kung mananatiling mababa ang mga presyo na iyon, ang inflation rate ay babalik na sa normal hanggang sa susunod na taon, sabi ni Trevor Tombe, isang economics professor sa University of Calgary. Bagama’t iyon ay isang malaking baka.

Ang dahilan kung bakit mataas ang inflation ay dahil ang energy prices ay mataas at dahil ang home ownership costs ay mataas, at ang dalawang development na iyon ay napapailalim sa malaking uncertainty, partikular ang enerhiya, ani Tombe. Kaya kung saan tayo mapapadpad is anybody's guess.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita