1. Home
  2. Lipunan
  3. Biyahe

Air Canada, WestJet tumangging magbigay ng kompensasyon sa kabila ng bagong direktiba

Ayon sa Canadian Transportation Agency ang staffing issues sa kabuuan ay ginagarantiyahan ng kompensasyon

Kuha nina Leigh at Frank Michel na magkaakbay sa harap ng beach.

Sina Leigh at Frank Michel ng Marquis, Sask., ay hindi binigyan ng kompensasyon ng Air Canada matapos ang flight disruptions noong Hunyo na nauwi sa kanilang pagtulog sa sahig ng paliparan.

Litrato: Frank Michel

RCI

Kamakailan klinaro ng Canadian Transportation Agency na, sa pangkalahatan, ang mga airline ay hindi puwedeng tanggihan ang pagbibigay ng kompensasyon sa mga pasahero na naapektuhan ng flight disruptions sanhi ng crew shortages — ito ang nagpasiklab ng galit ng ilang pasahero na hindi nabigyan ng kompensasyon.

Nakakainsulto, ani Frank Michel ng Marquis, Sask. Siya at ang kanyang asawa na si Leigh ay lumipad gamit ang Air Canada noong Hunyo.

Ang flight ng mag-asawa ay naantala ng mahigit limang oras, at ang pangalawang leg ng kanilang return flight ay nakansela, napuwersa sila tuloy na matulog sa airport.

Nakahiga si Frank Michel sa sahig ng paliparan ng Vancouver.

Matapos kanselahin ng Air Canada ang kanyang flight, si Michel, 67, ay napilitang matulog sa sahig ng Vancouver airport.

Litrato: Frank Michel

Ang mag-asawa ay nag-apply para sa kompensasyon ngunit na-reject. Sa dalawang magkahiwalay na email, sinabi ng airline na ang bawat flight disruption ay dahil sa crew constraints kaugnay ng COVID-19 at safety-related.

Sa ilalim ng mga tuntuning pederal, kailangan lang magbayad ng kompensasyon ng mga airline kapag ang flight disruption ay nasa kontrol ng airline at hindi safety-related. Sinabi ni Michel na ang Air Canada ay hindi sumusunod sa mga patakaran.

Nilinaw na ng Canadian Transportation Agency na ang crew constraints ay hindi katanggap-tanggap na excuse, aniya. Hindi ito safety issue. Ito ay isang management isyu. Kailangan mong i-manage ang iyong resources.

Kapwa tumanggi na magbigay ng komento ang WestJet at Air Canada sa mga indibidwal na kaso, ngunit parehong sinabi na sila ay sumusunod sa federal air passenger regulations.

Sinabi ng WestJet na ang safety ang kanilang pangunahing prayoridad. Sinabi naman ng Air Canada na ang airlines ay hindi dapat parusahan para sa pagkansela ng mga flight dahil sa safety reasons.

Basahin ang tungkol sa dispute dito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita