1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pampublikong Kalusugan

Mga Liberal tutuparin ang ipinangakong dental care para sa mga bata, sabi ni Freeland

Ang paglikha ng isang national dental care program ay isang kondisyon ng Liberal-NDP agreement

Close up ng bibig ng isang bata na sinusuri ng dentista.

Kasama sa Liberal-NDP agreement ang plano na lumikha ng bagong national dental care program para sa low-income Canadians.

Litrato: Shutterstock / chanchai plongern

RCI

Committed ang Liberal na gobyerno sa kanilang pangako na i-deliver ang isang national dental care program, sinabi ni Deputy Prime Minister Chrystia Freeland noong Martes, bagama’t binigyang-diin niya na ang paglikha ng bagong mga programa ng gobyerno ay maaaring maging komplikado.

Nang tanungin tungkol sa mga alalahanin na ipinahayag ni New Democratic Party Leader Jagmeet Singh tungkol sa abilidad ng gobyerno na ipakilala ang isang dental program, sinabi ni Freeland na isa ito sa mga ipinangako ng gobyerno noong huling budget.

Jagmeet Singh sa isang press conference.

New Democratic Party Leader Jagmeet Singh (archives)

Litrato: Radio-Canada

Pagdating sa dental care, gumawa tayo ng isang malinaw na commitment sa budget na magbigay ng dental care para sa mga bata na wala pang 12 taong gulang na kabilang sa mga pamilyang kumikita ng $90,000 o mas mababa pa upang magbigay ng dental care para sa mga bata na iyon ngayong taon, sinabi ni Freeland sa mga reporter matapos mag-tour sa isang automotive parts company sa Toronto area. Ito ay isang commitment na natutuwa akong gawin.

Chrystia Freeland nagsaslita sa mikropono at may blurred na watawat ng Canada sa foreground.

Deputy Prime Minister at Finance Minister Chrystia Freeland (archives)

Litrato: La Presse canadienne / Cole Burston

Sa tingin ko napaka-consistent nito sa mga values ng Canadians. Ang ngipin ng mga bata ay hindi dapat mabulok dahil ang kanilang mga magulang ay walang sapat na perang pambayad sa kanilang pagbisita sa dentista.

Humugot sa pagkakatulad ng ipinangakong dental program at child care agreements sa buong bansa, sinabi ni Freeland na minsan nagtatagal ang pag-roll out ng mga inisyatiba ng gobyerno kaysa sa pinlano.

Ang pagde-deliver ng mga bagong serbisyo sa Canadians ay komplikado at sa tingin ko maiintindihan ng Canadians iyon. We are working very, very hard pagdating sa dental care.

Ang komento ni Freeland ay dumating matapos sabihin ni New Democratic Party Leader Jagmeet Singh sa Toronto Star (bagong window) na siya ay handang talikuran ang confidence and supply deal para suportahan ang minority government ni Prime Minister Justin Trudeau kung ang dental program para sa mga bata ay hindi maipapatupad sa pagtatapos ng taon.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Bahagi ng artikulo ni Elizabeth Thompson (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita