1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Negosyo

Napapansin mo ba ang ‘tip creep’?

Dahil sa inflation maraming kompanya ang maglagay ng tip option para iwasan ang pagtaas ng suweldo ng workers

Close up ng tip jar sa loob ng isang cafe.

Makikita ang tip jar sa isang Vancouver cafe sa litrato na ito na kuha noong Abril 30, 2019.

Litrato:  CBC News / Jan Zeschky

RCI

Mas maraming kostumer ang napapansin ang isang gratuity option sa card payment machines sa mga industriya kung saan ang tipping ay hindi kailanman naging bahagi ng cost, mula sa mga auto shop hanggang sa food giants.

Ang phenomenon na ito ay tila nag-iiwan ng masamang karanasan para sa ilang konsumer, na nagreklamo online tungkol sa paghingi sa kanila ng ekstrang 15% o higit pa bilang tip bukod sa presyo ng takeout pizza, oil change o propane tank refill.

Ang tipping ay kumakalat sa mas maraming lugar ngayon, kung saan hindi naman tayo dating hinihingan ng tip, ngayon parang mas pangkaraniwan na ito, ani Simon Pek, isang associate professor sa University of Victoria Gustavson School of Business na nagsasaliksik tungkol sa tipping practices.

May limitadong research sa kung ano ang nag-uudyok sa mas maraming negosyo at sektor na gamitin ang tipping, ngunit ipinahiwatig ni Pek na ang pandemya at inflation ay parehong likely factors.

Inaasahan niya na ang tipping ay mangyayari sa mas maraming mga negosyo maliban kung magkaroon ng mas malawak na pampublikong talakayan tungkol sa kung saan, kailan at bakit tayo dapat magbigay ng tip.

Basahin ang tungkol sa tip creep dito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita