1. Home
  2. Kalusugan
  3. Trabaho

Overtime overload lumilikha ng ‘vicious circle’ habang umaalis ang nurses sa propesyon

May staff shortage ng mga nurse sa iba't ibang parte ng Canada ngayon

Isang nurse na naka-mask sa likod ng sign na nagsasabing, "The whole world is short staffed. Be kind to those who showed up.

Isang nurse ang nakaupo sa likod ng isang sign sa Humber River Hospital emergency department sa Toronto noong Enero 13.

Litrato:  CBC / Evan Mitsui

RCI

Habang ang mga emergency room sa ilang parte ng Canada ay binabawasan ang kanilang oras dahil sa staffing shortages, nagbabala ang analysts na ang sistema ay gumuguho na. Ipinapakita ng datos mula sa Statistics Canada na ang pagtaas sa overtime ng mga nurse ay nagaganap na bago pa magpandemya, at mas lalo pa itong lumala.

Ipinahiwatig pa ng datos na ang mga nurse na nag-o-overtime ay nagtatrabaho ng mas maraming oras. Noong Hulyo, ang average na nurse ay nag-o-overtime sa loob ng ekstrang siyam na oras, ang pinakamataas na pigura mula noong mga unang buwan ng pandemya.

Habang ang OT work ng lahat ng health-care workers ay tumaas nang husto pagkatapos ng Marso 2020, ang rate ay nag-plateau na sa non-nursing health-care workers. Ang proportion ng mga nurse na nagtatrabaho ng ekstang oras, gayunpaman, ay patuloy na umaakyat.

Sinabi ni Linda Silas, presidente ng Canadian Federation of Nurses (CFN), na ang pag-rely sa overtime para punan ang staff shortages ay nagkaroon ng masamang epekto sa propesyon. Sinabi niya na ang kakulangan sa work/life balance ay itinutulak ang marami papalayo mula sa full-time na mga posisyon. It’s a vicious circle, kailangan natin itong pahintuin, aniya. Pinag-uusapan natin ang tungkol sa working condition, ang poor working conditions ng mga nurse, sa loob ng 10, 15 na taon.

Sinabi ni Silas na ang kakulangan sa mga nurse ay nangyayari na bago pa magpandemya, at ngayon ang pangangailangan ay mas talamak. Noong 2019, a third of registered nurses — na bumubuo sa majority ng nursing workforce — ay higit 50-anyos na, at marami ang malapit na magretiro, ayon sa Canadian Federation of Nurses.

Ang pinakahuling survey ng mga miyembro ng pederasyon ay napag-alaman na 94% ng mga respondent ay nakakaranas ng burnout. Sinabi ng mga nakababatang nurse na malamang ay aalis sila sa propesyon. Sinabi ni Silas na marami ang natutukso na umalis sa kanilang full-time positions para magtrabaho sa agencies kung saan magkakaroon sila ng mas magandang iskedyul at sahod. Ang kailangan natin gawin ay ayusin ang workplace, aniya. Kailangan natin siguraduhin na mayroong flexibility na makakakuha sila ng day off at mayroon tayong ligtas na nurse-patient ratio.

PANOORIN | Ontario throne speech kinilala ang health-care crunch, pero hindi nagbigay ng mga bagong solusyon:

Ang amount ng overtime na required ay mas mataas sa Nova Scotia, New Brunswick, Saskatchewan at British Columbia, ayon sa datos, kung ikukumpara sa national average.

Importante na kilalanin na mayroon tayong problema at kailangan ayusin ito kaagad, ani Sylvain Brousseau, pinuno ng Canadian Nurses Association at isang propesor sa Université du Québec en Outaouais na nagsasaliksik tungkol sa working conditions ng mga nurse. Sinabi niya na ang tumaas na overtime ay isang sintomas ng problema sa sistema: ang OT ay built in na ngayon sa managing structure ng maraming ospital. Kapag hindi mo inayos ang problema, ang mga tao ay aalis sa health-care system, aniya.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita