1. Home
  2. Teknolohiya
  3. Trabaho

Canadian tech company na Hootsuite tinanggal ang 30% ng kanilang staff

Ang ilang technology companies sa Canada ay nag-aanunsyo ng malalaking layoffs kamakailan

Harapan ng headquarters ng Hootsuite.

Ang exterior ng headquarters ng Hootsuite sa Vancouver. Tinanggal ng social media company ang halos one third ng kanilang staff ngayong Martes.

Litrato:  CBC News / Ben Nelms

RCI

Ang social media company na nakabase sa Vancouver na Hootsuite Inc. ay nagtanggal ng 30% ng kanilang staff, ang pinakahuling kompanya na nag-anunsyo ng layoffs sa kasalukuyang surge ng cutbacks sa tech sector.

Ito ay indikasyon ng pagbabago sa ating negosyo na nire-realign ang ating mga estratehiya sa mga posisyon na dapat tayong maging matagumpay, ani CEO Tom Keiser sa isang pahayag.

Kailangan nating i-refocus ang ating mga estratehiya para itulak ang efficiency, pag-unlad at financial sustainability.

Ayon sa financial data firm na Refinitiv, ang kompanya ay kasalukuyang may higit 1,000 na empleyado.

Ang layoffs ang pinakahuli sa isang wave ng pink slips sa Canadian tech.

Nitong unang bahagi ng tag-init, tinanggal ng WealthSimple (bagong window) ang 13% ng kanilang staff, sumunod ang Ottawa-based na Shopify na nagtanggal ng 10% pagkatapos ng ilang linggo.

Nag-layoff din ang Unbounce ng 20% ng kanilang staff (bagong window) ngayong linggo, kasunod ng e-commerce seller na Article na inanunsyo ang pagbabawas sa kanilang head count by about one-sixth (bagong window).

Isang artikulo ni Pete Evans (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita