1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Pagkain

Piniga ng inflation, mas maraming Albertans umaasa sa food banks sa unang pagkakataon

Ang tumataas na gastos sa groceries kasama ang lumalaking demand ang pumipiga sa mga food bank

Mga de-latang pagkain na nasa mesa.

Ang Surrey Food Bank sa B.C. sinabi na hinaharap nito ang spike sa demand at pagbaba ng mga donasyon. Sa Alberta, inuulat din ng mga food bank ang pagtaas sa demand.

Litrato:  CBC News / Rafferty Baker

RCI

Ang lumalaking bilang ng mga tao sa probinsya ay ginagamit ang food banks sa unang pagkakataon, ayon sa Food Banks Alberta.

Sinabi ng industry group na napansin ng kanilang mga miyembrong food banks ang pagtaas ng bilang ng mga bagong tao na gumagamit ng kanilang serbisyo, buwan-buwan.

Madalas namin marinig, ‘Hindi ko akalain na I would be here, hindi ko inakala na it would be me,’ ani Lori McRitchie, ang executive director ng Airdrie Food Bank, kung saan ang bilang ng bagong users noong Hunyo ay halos doble ng nakaraang taon.

Sa Brooks Food Bank, may 83 na bagong users noong Hunyo at Hulyo — humigit-kumulang triple ng parehong period noong 2021.

Ang mga bilang na ito ay tila maliit, pero para sa food bank na katulad namin, ito ay napaka-significant, ani manager Aurora Champlone.

Inflation tumaas, mga donasyon bumaba

Pinaniniwalaan na ang inflation at ang tumataas na gastos sa renta, pagkain at gasolina ang dapat sisihin. Samantala, ang mga food bank mismo ay pinipiga ng tumataas na presyo ng groceries (sinabi ni McRitchie na ang presyo ng gatas ay tumaas na ng isang beses ngayong taon, at nakatakdang tumaas muli).

Lalo pa itong ginagawang kumplikado ng mas kaunting donasyon na natatanggap ng ilang food banks kaysa dati. Habang ito ay normal para sa mga buwan ng tag-init, ani Arianna Scott, CEO ng Food Banks Alberta, hindi normal para sa pagbaba ang samahan ito ng pagtaas sa demand.

Karamihan sa mga food bank kayang i-sustain sa buong tag-init dahil nakakakita rin sila ng pagbaba sa usage, na hindi totoo ngayong taon, ani Scott.

Hinikayat nina Champlone at McRitchie ang mga taong may-kaya na suportahan ang kanilang lokal na mga food bank. Kahit kaunti makakatulong, ani Champlone, na binigyang-diin na ang isang bag ng cans o ang $20 bill ay may agarang impact.

Sa mahabang panahon, sinabi ni Scott na ang pagbabawas sa kagutuman ay nangangahulugan na dapat tuntunin ang ugat ng problema: na maraming tao ang hindi kumikita ng sapat na pera para suportahan ang kanilang mga sarili, partikular kung sila ay nasa fixed income.

Ang pagbabawas sa kahirapan at pagtaas ng employment ang tanging kasagutan sa food insecurity dahil ang food insecurity ay nagmumula sa dalawang lugar na iyon, ani Scott.

Isang artikulo ni Paula Duhatschek (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita