1. Home
  2. Politika
  3. Pangprobinsiyang Politika

Ford ilalahad ang vision para sa bagong agenda ng gobyerno, ipakikilala muli ang budget

Ang throne speech ni Ontario Premier Doug Ford ay magaganap ngayong Martes, 1 p.m. ET

Doug Ford kasama ang ibang pulitiko sa Ontario Legislature.

Premier Doug Ford nakatingin kay Ted Arnott ang MPP para sa Wellington-Halton Hills na ibinoto bilang bagong Speaker sa Lehislatura ng Ontario noong Lunes.

Litrato:  CBC News / Carlos Osorio

RCI

Nakatakdang iprisenta ni Ontario Premier Doug Ford ang kanyang bagong vision ngayong araw para sa kanyang bagong termino sa gobyerno, gayundin ang muling pagpapakilala ng budget ngayong taon.

Ilalahad sa throne speech ang agenda ng Progressive Conservative government, kasunod ang muling pagpapakilala sa budget, na inaasahan na hindi masyadong magbabago mula nang una itong inilahad ngunit hindi pumasa noong spring bago mag-eleksyon.

Si Ford ay inaasahan na magsasalita tungkol sa maraming parehong tema gaya ng kanyang ipinahayag noong spring election campaign, kasama ang pagtatayo ng imprastraktura tulad ng mga highway, muling pagbangon ng ekonomiya mula sa pandemya at pag-akit ng mas maraming tao sa skilled trades.

Magsasalita rin siya tungkol sa staffing crisis sa health-care system (bagong window) na nauwi sa pagsasara ng mga emergency departments sa buong probinsya ng ilang oras o araw dahil sa kawalan ng mga nurse.

Hinihikayat siya ng mga partido ng oposisyon at nursing groups na pawalang-bisa ang wage restraint legislation na sinasabi nilang sinasaktan ang mga gawain upang mag-recruit at mag-retain ng mas maraming nurse, na umaalis sa sektor matapos ang mahigit dalawang taon ng paglaban sa front lines ng COVID-19 na pandemya.

Ang tanging pagbabago na ipinahiwatig ni Ford sa budget mula noong una itong ipakilala ay ang limang porsyento na pagtaas sa disability support payment rates, na kanyang ipinangako noong eleksyon, ngunit sinabi ng advocates na masyado itong mababa at ang payments ay dapat doblehin.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita