1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Pampublikong Pananalapi

Halos 9 milyong Canadians ang may uncashed cheques mula sa CRA — nagkakahalaga ng $1.4B

25,000 Canadians ang aabisuhan tungkol sa pera na kanilang dapat ibalik ngayong buwan

Nakaharap ang isang tao sa laptop at sa screen nito makikita ang website ng Canada Revenue Agency.

Halos 9 na milyong Canadians ang may uncashed cheque mula sa gobyerno sa ilalim ng kanilang pangalan, sabi ng Canada Revenue Agency.

Litrato: La Presse canadienne / Graham Hughes

RCI

Sinabi ng Canada Revenue Agency (CRA), ang tax agency ng Canada, na halos 9 na milyong Canadians ang may utang sa gobyerno, at magpapadala ito ng mga paalala simula ngayong buwan sa libo-libong mga tao para malaman nila ito.

Sinabi ng Canada Revenue Agency noong Lunes na may humigit-kumulang $1.4 bilyon na halaga ng uncashed cheques sa kanilang books, ang ilan utang pa noong 1998. Mula noong Mayo, 8.9 milyong Canadians ang may uncashed cheque na nasa ilalim ng kanilang mga pangalan. Ang average na halaga ng utang ay $158, sabi ng tax agency.

Nais namin tiyakin na ang perang ito ay mapupunta sa nararapat tumanggap. Sa mga bulsa ng taxpayers! sabi ng tax agency.

Sinabi ng tax agency na malapit nang abisuhan ang 25,000 recipients ng Canada child benefit at mga kaugnay na provincial/territorial programs, GST/HST credit at Alberta Energy Tax Refund kung mayroon silang utang. Ang isa pang grupo na binubuo ng 25,000 ay aabisuhan sa Nobyembre, at ang isa pang grupo sa Mayo 2023.

Habang hinahawakan ng tax agency ang bilyong-bilyong dolyares na taxes at rebates bawat taon, hindi lahat ay napupunta sa mga kamay ng Canadians na entitiled dito, ang karamihan ay dahil sa nawawala ng mga tao ang mga tseke, o nagbabago ng address, ibig sabihin hindi nila ito natanggap in the first place.

Nagsimulang trabahuhin ng Canada Revenue Agency ang kanilang backlog ng uncashed cheques noong Pebrero 2020, at mula noon sinabi nito na naibalik ang $802 milyon sa mga taxpayer na may utang na pera ang tax agency ngunit hindi nila nalalaman.

Sinabi ng Canada Revenue Agency na maaaring itsek ng Canadians kung mayroon silang uncashed payments sa pamamagitan ng pag-log in o pag-sign up para sa isang Canada Revenue Agency account.

Isang artikulo ni Pete Evans (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita