1. Home
  2. Kalusugan
  3. Marihuwana

Canada on track na gumastos ng $200M kada taon sa cannabis para sa mga beterano

Gumastos ang Canada ng $150M+ sa huling fiscal year, mahigit doble noong nakalipas na 3 taon

Close up ng mukha ng isang tao na naninigarilyo ng marijuana.

Ang demand para sa medical marijuana sa mga beterano ng Canada ay nag-surge mula noong magdesisyon ang korte taong 2008 na inuutusan ang gobyerno na magbigay ng reasonable access sa droga kapag binigyan ng awtorisasyon ng isang health-care practitioner.

Litrato: La Presse canadienne / Jonathan Hayward

RCI

Ire-reimburse ng pederal na gobyerno ng Canada ang record number ng mga beterano para sa kanilang medical marijuana.

Ipinakita ng mga bagong pigura na ang Canada ay nagbigay ng mahigit 150 milyon na dolyares noong huling fiscal year — mahigit doble ng halaga noong nakalipas na tatlong taon.

Ipinapakita ng mga pigura mula sa Veterans Affairs Canada na ang gobyerno ay on track na gumastos ng halos 200 milyong dolyares ngayong taon habang libo-libo pang dating service members ang humiling sa gobyerno na bayaran ang kanilang cannabis bawat taon.

Ang demand para sa medical marijuana sa mga beterano ng Canada ay nag-surge mula nang ibaba ang desisyon ng korte noong 2008 na nire-require ang gobyerno na magbigay ng reasonable access sa droga kapag binigyan ito ng awtorisasyon ng isang health-care practitioner.

Ang surge ay lalo pang bumilis sa nakalipas na mga taon sa kabila ng isang overhaul noong Nobyembre 2016 sa paraan kung paano nire-reimburse ng gobyerno ang dating military personnel para sa marijuana, kasama ang pagbabawas sa halaga at gastusin na ikokober.

Ang patuloy na demand ay nagbunsod ng mga bagong panawagan para sa karagdagang pagsasaliksik sa medikal na benepisyo ng cannabis, na sinabi ng mga eksperto at advocates na kulang na kulang.

Nagbunsod din ito ng mga alalahanin tungkol sa mga beterano na gumagamit ng marijuana para iwasan ang pagharap sa kanilang psychological trauma, at ang pangangailangan para sa mas maraming suporta para sa counselling at peer support.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita