1. Home
  2. Politika
  3. Pangprobinsiyang Politika

Canada nangako ng higit $40M para sugpuin ang gun violence sa Quebec

Mas maraming resources ang darating para pigilan ang trafficking ng baril sa border

Solo shot ni Marco Mendicino na nagsasalita at nakataas ang hintuturo.

Federal Public Safety Minister Marco Mendicino (archives)

Litrato: La Presse canadienne / Patrick Doyle

RCI

Inanunsyo ng pederal na gobyerno noong Huwebes na magbibigay ito ng halos $42 milyon para labanan ang lumalalang gun violence sa Quebec.

Dumating ang anunsyo habang nagising ang Montrealers sa balita na tatlong katao ang binaril ngayong linggo, sa tila random na mga pag-atake.

Maraming nakababatang tao ang nagiging biktima ng gun violence, sabi ni Pablo Rodriguez, isang miyembro ng Parlamento para sa Montreal riding na Honoré-Mercier, sa isang news conference sa Montreal.

We’ve had enough. Lahat ng karahasan, makita ang pagkasira ng mga buhay, ang pag-iyak ng mga magulang, ang mga mamamayan na nabubuhay sa takot para sa kanilang mga anak, it’s enough.

Nakasalalay sa probinsya ang desisyon kung paano hahatiin ang pera sa pagitan ng police services, community organizations at mga munisipalidad — lalo na sa lungsod ng Montreal — na sinusubukang harapin ang pagdami ng mga baril.

Sinabi ni Federal Public Safety Minister Marco Mendicino na ang pera ang magbibigay sa pulisya ng resources na kailangan nila para pabagalin ang trafficking ng mga baril.

Magsisimula ito sa aksyon sa ating mga border, ani Mendicino.

Ang $41.8 milyon ay magmumula sa Building Safer Communities fund, isang pondo na $250 milyon ang halaga na ipamamahagi sa susunod na limang taon sa mga siyudad na nakikipagbuno sa gun violence, aniya.

Binanggit din ni Mendicino ang Bill C12, na kasalukuyang nasa House of Commons. Ipino-propose nito na taasan ang maximum sentences para sa firearm offences, isang countrywide freeze sa handguns, isang red flag law na tutulong sa mga biktima ng domestic violence na kumonekta sa pulis kung natatakot sila para sa kanilang buhay at ang pagba-ban ng mahigit 1,500 na assault rifles.

'Hindi tayo puwedeng mang-aresto lamang': Mendicino

Ngunit iginiit ng public safety minister na ito lamang ang tip of the iceberg pagdating sa pagtugon sa karahasan.

Kailangan natin magpokus sa pagpigil sa gun violence bago pa ito magsimula, aniya. Hindi tayo puwedeng mang-aresto lamang para lutasin ang problema sa mga kalsada.

Ang malaking bahagi ng $41.8 milyon ay mapupunta rin sa mga community organization sa buong probinsya na nakatuon sa mga tinedyer at mga kabataan, para makagawa sila ng mabuting mga desisyon para maging matagumpay, ani Mendicino.

Ito ay isang napaka-targeted at grassroots approach, aniya. Ang access sa sports teams, after school programs at iba pang mga serbisyo ang nagpapanatili sa kabataan na hindi gumawa ng krimen, ani Mendicino.

Nakasalalay sa probinsya ang desisyon kung aling community organizations ang makakakuha ng pondo.

Ang Indigenous communities, kabilang ang Kahnawake, Akwesasne at ang mga taga-Nunavik, ay inaasahan din na makikinabang mula sa pondo, ayon sa news release mula sa pederal na gobyerno.

Ang pag-aanunsyo ng pondo ang pinakahuling hakbang ng pederal na gobyerno para pabagalin ang gun violence sa probinsya.

Noong Abril nag-invest ng $5 milyon (bagong window) ang Liberal na gobyerno sa apat na violence-prevention projects sa Montreal na nakatuon sa mga kabataan.

Ang pondo na iyon ay dumating ilang araw lamang matapos ianunsyo ni Montreal Mayor Valérie Plante na ang lungsod ay gagastos ng $7 milyon para sa katulad na mga proyekto at istruktura na nakatuon sa pagsuporta sa kabataan, tulad ng sports facilities at agriculture initiatives.

Sa pagtatapos ng 2021 inanunsyo rin ng gobyerno ng Quebec ang $52 milyon para labanan ang gun violence (bagong window). Halos 40 na organisasyon ang nakapokus sa art, sports at cultural programs na naglalayong ilayo ang kabataan mula sa krimen ang makikinabang, sinabi noon ni Public Security Minister Geneviève Guilbault.

Isang artikulo ni Miriam Lafontaine (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita