1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pampublikong Kalusugan

Ontario nais bilisan ng regulator ang pagrehistro sa internationally trained nurses

May 2 linggo ang mga organisasyon para isipin kung paano mairerehistro ang mas maraming health workers

Isang nurse sa loob ng ospital.

Registered nurse Janelle Van Haltren naghahanda upang bisitahin ang isang pasyente sa Humber River Hospital noong Enero 13, 2022.

Litrato:  CBC / Evan Mitsui

RCI

Bibigyan ng health minister ng Ontario ang regulatory colleges para sa mga nurse at doktor ng dalawang linggo para magdebelop ng mga plano upang mabilis na marehistro ang internationally educated professionals.

Nagpadala ng mga direktiba si Sylvia Jones ngayong araw sa College of Nurses of Ontario at sa College of Physicians and Surgeons of Ontario at inutusan sila na gawin ang lahat ng makakaya para mairehistro ang mga nurse at doktor as expeditiously as possible.

Nakipagkamay si Sylvia Jones kay Doug Ford.

Nakipagkamay si Ontario Premier Doug Ford sa kanyang bagong health minister na si Sylvia Jones (archives).

Litrato: La Presse canadienne / Nathan Denette

Inutusan din ng ministro ang nursing college na magdebelop ng mga supporta para sa internationally trained nurses — halimbawa itaas ang kanilang skills sa standards ng Ontario — upang pahintulutan silang makapag-practice sa isang napapanahong paraan.

Humingi si Jones ng report mula sa colleges sa loob ng dalawang linggo kung paano nila gagawin ito.

Ang mga ospital sa Ontario ay napilay, ang ilang emergency rooms ay napuwersang isara ang kanilang pintuan ng ilang oras o araw dahil sa staff shortages.

Sinabi ng nursing groups, hospital executives, at ibang health-care professionals at advocates na ang burnout matapos mapunta sa COVID-19 front lines sa loob ng mahigit dalawang taon at ang hindi sapat na suweldo ang naging sanhi ng pag-alis ng napakaraming tao sa propesyon.

Isang 2020 report mula sa fairness commissioner ng Ontario ang ipinakita na 14,633 internationally educated nurses ang aktibong kumukuha ng lisensya sa pamamagitan ng College of Nurses of Ontario. Sa parehong taon, higit 2,000 international applicants ang naging fully registered members.

Sinabi ng registered nurses' association na sa nakalipas na dekada nakita nila ang lumalaking backlog ng internationally educated applicants at tinataya na ang pila ay malapit sa 26,000.

Kamakailan lang ang nurses’ college ay gumawa ng mga hakbang para mapabilis ang proseso, kasama ang mga pagbabago sa language proficiency requirements at isang partnership sa probinsya na lumikha ng mas supervised na practice opportunities, sabi ng isang tagapagsalita.

Nakapagrehistro na ito ng record number ng nurses ngayong taon, kasama ang mas maraming international nurses kaysa sa mga nakaraang taon, na may 4,728 registrations sa pagsisimula ng Agosto. Sinabi ng college na naghahanap pa ito ng mga paraan kung paano isi-streamline ang proseso.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita