1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

Home sales bumaba ng 43% mula Hulyo 2021, ayon sa Greater Vancouver real estate board

Ang presyo ay bumaba ng humigit-kumulang 2% kada buwan: Real Estate Board of Greater Vancouver

Isang detached na bahay na may nakapaskil na sign sa harap na nagsasabing new listing.

Mga detached na bahay ang makikita sa larawan na ito sa Vancouver noong Setyembre 2021.

Litrato:  CBC News / Ben Nelm

RCI

Ang home sales noong nakaraang buwan ay bumaba ng whooping 43% mula Hulyo 2021, at 23% mula noong nakaraang Hunyo, ayon sa Real Estate Board of Greater Vancouver (REBGV).

Ang sales sa rehiyon sa kabuuan ay umabot sa 1,887, 35.2% na mas mababa sa 10 taon na July sales average.

Sinabi ng board na ang mga numero na ito ay nagbabadya ng isang bagong market cycle — marka ng bumababang demand para sa mga bahay — na nandito na.

Sa palagay ko ang mga bumibili at nagbebenta ng bahay ay pansamantalang nagpapahinga matapos ang isang frenetic na dalawang taon, ani Craig Munn, ang bise presidente ng komunikasyon sa Real Estate Board of Greater Vancouver.

Sinabi ni Munn na ang pagiging maingat ng mga mamimili ay itinutulak ng pagtaas ng interest rates at pag-aalala tungkol sa inflation.

Ang home buyers ay matalinong ginugugol ang kanilang oras sa pagsuri kung ano ang magiging kahulugan ng mga pagbabagong ito sa kanilang sariling sitwasyon.

Sinabi ng board na parte ng bagong market cycle ay kabilang sa unti-unting pagtaas ng numero ng mga bahay na ibinebenta, ngunit ang listings noong nakaraang buwan sa kabuuan ay umabot sa 3,960 na bahay, bumaba ng halos 10% mula Hulyo 2021 at 25% mula Hunyo 2022.

Samantala, ang composite benchmark price para sa rehiyon ay nasa mahigit $1.2 milyon noong nakaraang buwan, humigit-kumulang 10% na pagtaas mula Hulyo 2021 at 2% na pagbaba mula Hunyo 2022.

Sinabi ni Munn na ang mga presyo ay nagsimulang bumaba sa nakalipas na tatlong buwan, ngunit sa isang gradual pace na mga 2% kada buwan.

Isang tsart.Palakihin ang larawan (bagong window)

Isang tsart na nagpapakita ng average sale price ng mga property sa Greater Vancouver mula 2006 hanggang 2022.

Litrato:  CBC News / Justin McElroy

'Isang napakanormal na pagtugon sa merkado'

Sinabi ni Brendon Ogmundson, chief economist sa B.C. Real Estate Association, na ang demand ay lumalamig sa buong probinsya.

Kahit paano mo pa tingnan ang merkado, ang sales ay generally mga 20 hanggang 25% na mas mababa sa normal sa ganitong panahon ng taon, ani Ogmundson.

Isang tsart.Palakihin ang larawan (bagong window)

Isang tsart na nagpapakita ng average sale price ng mga detached homes sa British Columbia mula Marso hanggang Hulyo 2022.

Litrato:  CBC News / Justin McElroy

Sinabi ni Ogmundson na habang ang mga presyo ay dahan-dahang bumababa, ang isang malaking pagbagsak ay tila hindi mangyayari.

Ang nakikita natin ay isang napakanormal na pagtugon sa merkado na may napakataas na interest rates.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula kay Yasmin Gandham

Mga Ulo ng Balita