1. Home
  2. Lipunan
  3. Mga Krimen at Mga Sala

Suspek sa 3 tila random na pagpatay binaril at napatay ng pulis Montreal

Naganap ang insidente matapos ang gun homicides kamakailan sa Montreal at Laval

Mga officer ng Montreal police sa labas ng isang motel na pinangyarihan ng barilan.

Sinabi ng Montreal police na ang mga officer ay nabaril at napatay ang suspek sa isang motel sa Marcel-Laurin Boulevard sa Saint-Laurent ngayong umaga.

Litrato: Radio-Canada / Kolya H. Guilbault

RCI

Sinabi ng pulisya na binaril at napatay ng mga officer ang suspek sa isang motel sa Marcel-Laurin Boulevard sa Saint-Laurent ngayong umaga, kasunod ng tila random shootings sa greater Montreal area.

Hindi maglalabas ang Montreal police (SPVM) ng anumang detalye sa kaso, ngunit sinabi ng police watchdog ng Quebec, ang Bureau des enquêtes indépendantes (BEI), na ang suspek ay kasangkot sa tatlong shooting kamakailan sa Montreal at Laval.

Kinumpirma ng Montreal police kahapon na dalawang Montreal shootings (bagong window) ay malamang kagagawan ng iisang suspek at sinabi rin nila na ito ay maaaring random.

Isang lalaki na nasa kanyang 20s ang binaril sa Laval (bagong window) kagabi sa Clermont Boulevard, habang nakasakay sa kanyang skateboard.

Ayon sa BEI, ang mga officer mula sa tactical intervention group ng SPVM ay sinimulan diumano ang search sa isang motel bandang alas-siyete ngayong umaga.

Sinabi ng BEI na ang mga pulis ay diumano kinompronta ng isang lalaki, 26, na may dalang baril, at may naiulat na putukan.

Ang lalaki ay tinamaan ng at least isang bala at idineklarang patay sa pinangyarihan, ayon sa bureau.

Pitong BEI investigators ang susuri sa mga aksyon ng Montreal police sa interbensyon.

Sa isang pahayag ngayong Huwebes ng umaga, sinabi ng Sûreté du Québec na sila ang hahawak sa imbestigasyon ng tatlong homicides alinsunod sa kahilingan ng BEI.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita