1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Mga Armadong Labanan

Canada sasama sa British-led mission para sanayin ang Ukrainian recruits: sources

Si Defence Minister Anita Anand ay inaasahan na gagawa ng anunsyo ngayong Huwebes

Mga sundalo na nagsasanay gamit ang mga militar na behikulo.

Ang mga sundalong Canadian ay nagsagawa ng isang demonstration ng vehicle recovery techniques kasama ang mga Ukrainian na sundalo sa International Peacekeeping and Security Centre sa Starychi, Ukraine, sa Operation Unifier noong Nov. 25, 2015.

Litrato: Joint Task Force Ukraine/DND

RCI

Naghahanda ang Canada para mag-commit ng isang contingent ng mga sundalo sa ambisyosong programa ng British Army na gawing mga lumalabang sundalo ang Ukrainian na mga sibilyan, napag-alaman ng CBC News.

Nag-commit ang outgoing British prime minister na si Boris Johnson sa training plan noong kalagitnaan ng Hunyo habang nakikipagpulong kay Ukrainian President Volodomyr Zelenskyy sa Kyiv.

Hanggang 10,000 Ukrainian na sundalo ang inaasahan na lilipad sa United Kingdom para sa basic at specialist military training sa mga kurso na magtatagal ng limang linggo. Ang unang grupo ng Ukrainian recruits ay dumating at nagsimulang magsanay noong unang bahagi ng Hulyo.

Sinabi ng tatlong sources na pamilyar sa file ngunit hindi awtorisado na magsalita sa publiko sa CBC News na nais ng Canada na mag-ambag sa gawaing ito na pinangunahan ng mga British. Inaasahan na pormal na iaanunsyo ito ni Defence Minister Anita Anand ngayong araw.

Ang plano ay nauwi sa muling pagsisimula ng Operation Unifier, isang long-standing training mission na binigyan — hanggang masuspinde noong huling winter — ang mahigit 35,000 Ukrainian na sundalo ng advanced combat instruction ng mga sundalong Canadian.

Ang misyon na iyon, na isinagawa sa Ukraine, ay itinigil at ang mga sundalo ay pinaalis sa naturang eastern European country kalagitnaan ng Pebrero sa bisperas ng ganap na pagsalakay ng Russia.

Kasama rito ang 200 sundalo at may isang contingent. Dalawa sa tatlong sources ang nagsabi na ang pinakahuling inisyatiba kasama ang British ay isasama ang humigit-kumulang parehong bilang.

Ang pangatlong source ay mas espisipikong sinabi na ang bagong programa ay magkakaroon ng tatlong training teams na may humigit-kumulang 60 na miyembro bawat isa, at dagdag na command staff.

Makailang ulit nakiusap ang gobyerno ng Ukraine sa Canada na muling simulan ang training sa ikatlong bansa, sabi ng diplomatic sources na bukod na nakausap ng CBC News at binigyan ng anonymity dahil sa sensitivity ng file. Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita