1. Home
  2. Kalusugan

Ontario makukuha ang pangangalaga na kailangan sa kabila hospital department closures

Nahaharap ang premier sa pressure na umaksyon tungkol sa health-care staffing shortages

Doug Ford nagsasalita sa harap ng mikropono.

Doug Ford sinagot ang mga reporter sa isang funding announcement sa Stratford, Ont. ngayong Miyerkules.

Litrato: La Presse canadienne / Geoff Robins

RCI

Habang napuwersang magsara ang hospital departments sa buong Ontario at bawasan ang oras nitong mga nakaraang linggo, sinabi ni Premier Doug Ford ngayong Miyerkules na ang health-care system ay natutugunan pa rin ang mga pangangailangan ng Ontarians.

Gusto kong linawin, na ang Ontario ay patuloy na magkakaroon ng access sa pangangalaga na kailangan nila, kapag kailangan nila ito, sinabi ni Ford sa isang anunsyo sa Stratford, Ont.

Ayon sa Ontario Nurses' Association (ONA), humigit-kumulang 25 na mga ospital sa Ontario ay napilitang i-scale back ang mga seksyon ng kanilang pasilidad noong nakaraang long weekend dahil sa staff shortages.

Sinabi ni Ford na nararamdaman ng mga ospital at emergency departments ang tumaas na pressure ngayon, ngunit iginiit rin niya na ang mga surgery ay tuloy-tuloy sa halos 90% ng pre-pandemic rates, at siyam mula sa 10 katao na nagpupunta sa emergency departments ay naaalagaan sa loob ng mga parameter ng kalusugan.

Ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya para sa health system, sabi ni Ford, ibinalita niya na sinisikap ng probinsya na dagdagan ng mas maraming internationally trained nurses ang health-care system, habang nadagdagan na umano ang sistema ng 760.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng ilang linggo na sumagot si Ford sa mga tanong sa gitna ng nagpapatuloy na staffing crisis sa health-care sector (bagong window) at negosasyon sa mga kontrata ng mga manggagawa sa edukasyon.

Ang burnout at pagkakasakit ng mga health worker, na sinamahan pa ng dami ng mga tao na naghahanap ng treatment na isinantabi noon dahil sa COVID-19 na pandemya, ay pinuwersa ang ilang ospital na limitahan ang kanilang mga serbisyo at pansamantalang isara ang kanilang emergency departments.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita