1. Home
  2. Lipunan
  3. Kultura

Filipina Canadian filmmaker tinalakay ang kulay ng balat sa kulturang Pinoy

‘Sa aking karanasan, ang kultura ng Asya at ang kagandahan ay umiikot sa Western standards,’ ani Roberts

Close up ng mukha ni Joanne Roberts.

Ang Filipinx Canadian filmmaker na si Joanne Roberts.

Litrato: Alexander Decebal-Cuza

RCI

Napagsabihan ang filmmaker na taga-Winnepeg na si Joanne Roberts na ang kanyang balat ay masyadong maitim ng ibang mga Pilipino.

Sa kanyang bagong short film na pinamagatang I am, siniyasat ni Roberts ang epekto ng mga ganitong komento sa pagpapahalaga niya sa sarili at sariling pakikibaka sa shadeism.

Shadeism ang tawag sa diskriminasyon laban sa isang tao batay sa kulay ng kanyang balat.

Sina Roberts at Alex Decebal-Cuza na kapwa filmmaker ay lumikha ng isang short film para sa Creator Network ng CBC Manitoba, na nakikipagtulungan sa storytellers mula sa buong Manitoba upang ikuwento ang kanilang mga istorya.

Si Roberts nagsalita tungkol sa kanyang pelikula:

Ako ay isang woman of colour, anak ng mga imigrante, at isang first-generation Canadian.

Sa aking karanasan, ang kulturang Asyano at ang kagandahan ay umiikot sa Western standards. Ang maputi na balat ay maganda at ang maitim na balat ay pangit.

Dati nape-pressure ako na tangkilikin ang beauty products na bumubura sa aking Asian features at nagpapaputi sa aking natural na morenang balat. Ngunit ang mga aral na ito at pamantayan ng lipunan — talaga bang totoo?

Noong tag-init ng 2020, ako ay binigyan ng pagkakataon na makibahagi sa espasyo ng isang grupo ng mga Brown womxn (isang inclusive term na wine-welcome ang lahat ng trans, non-binary at gender-queer na mga tao) mula sa buong mundo sa Shades of Brown Girl Creative Storytelling Workshop.

Sa unang pagkakataon sa aking buhay, nagawa kong suriin ang aking pinagmulang kultura bilang isang tao na nag-a-identify bilang Filipinx (nag-a-identify bilang isang gender queer na miyembro ng Filipino(a) diaspora).

Bago ngayon, nahihiya ako na ibunyag ang aking pagkakakilanlan. Tinuruan ako ng mga makapangyarihang tao na ito (ang mga lumahok sa workshop) na kahit may societal pressures to look a certain way at sumunod sa isang partikular na Asian stereotype, lahat tayo ay maganda pa rin. Ang ating kultura ay kahanga-hanga. Ang ating pagkain ay masarap. Maaari nating dalhin ang hybridity na parang royalty.

Tungkol sa mga filmmaker

Si Joanne Roberts ay isang award-winning Canadian filmmaker at aktres sa telebisyon, pelikula at teatro. Siya ay huling lumabas sa serye na Edgar (2020) ng Crave at sa feature film na I Propose We Never See Each Other Again After Tonight (2020).

Nagsasalita si Roberts tungkol sa systemic racism at ang kaligtasan sa komunidad ng sining at nagbabahagi ng kanyang sariling karanasan sa publiko. Siya ay lumalaban upang ipakita ang mga pagkakaiba sa pagtrato at pag-hire ng minorya sa larangan ng sining. Ipinaglalaban din niya ang diversity, pantay-pantay na pagtrato, at oportunidad sa pamamagitan ng kanyang sariling mga proyekto at hiring practices.

Close up na kuha ni  Alex Decebal-Cuza.

Ang filmmaker na si Alex Decebal-Cuza na nakabase sa Winnipeg.

Litrato: Alex Decebal-Cuza

Si Alexander Decebal-Cuza ay isang filmmaker na nakabase sa Winnipeg. Nagtrabaho si Decebal-Cuza bilang camera assistant at director of photography. Nagsimula sa portraiture at photojournalism, mabilis niyang nakita ang kanyang passion sa visual storytelling at mabilis na in-explore ang industriya ng pelikula. Kapag hindi siya gumagawa ng mga pelikula, si Decebal-Cuza ay nagtatrabaho bilang isang photo editor para sa pahayagan na The Manitoban.

Tingnan ang iba pang content mula sa CBC Manitoba Creator Network. (bagong window)

Isang artikulo ni Robin Summerfield (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita