1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

Toronto housing market patuloy na bumabagal, sales bumaba ng 41% kumpara noong Hunyo

Ang average na selling price sa GTA ay bumagsak ng 14% mula Pebrero

Isang babae ang naglalakad sa harap ng bahay na may 'For Sale' sign sa harap.

Isang bahay na ibinebenta sa Toronto noong Hunyo 2022.

Litrato:  CBC / Esteban Cuevas

RCI

Nagpatuloy ang pagbagal ng housing market sa Toronto noong nakaraang buwan, ito ang ipinakita ng bagong pigura ng bilang ng mga bahay na naibenta sa pinakamalaking siyudad sa Canada na bumaba ng halos kalahati kumpara noong nakaraang taon.

Sinabi ng Toronto Region Real Estate Board (TRREB) na 6,474 na bahay ang naibenta sa Greater Toronto Area noong nakaraang buwan, bumaba ng 41 porsyento kumpara noong nakaraang Hunyo.

Tulad ng kaso sa maraming parte ng Canada, ang presyo ng bahay sa loob at paligid ng Toronto ay sumabog noong pandemya, habang pinahintulutan ng napakababang interest rates ang mga buyer na i-stretch ang kanilang budget para makabili ng mas mahal na bahay. Ngunit ang trend na ito ay biglang nagbago noong Marso ngayong taon, nang simulan ng Bank of Canada na taasan ang interest rates.

Ang epekto sa merkado ay agaran, habang ang sales at mga bagong listing ay bumagal, at ang bidding wars na naging karaniwan ay nagsimulang maglaho, habang ang mga buyer ay nagkaroon din ng puwang upang maging mas mapili.

Ang home sales ay naapektuhan ng affordability challenge na iprinesenta ng mortgage-rate hikes at ng psychological effect kung saan ang homebuyers na maaaring umutang ng mas mataas na borrowing costs ay hinold ang kanilang desisyon para makita kung ano ang kahihinatnan ng home prices, ani Toronto Region Real Estate Board president Kevin Crigger. Asahan na mananatili ang kasalukuyang kondisyon ng merkado sa mas mabagal na summer months.

Isang chart na nagpapakita ng home sale price sa Toronto mula Enero 2021 hanggang Abril 2022.Palakihin ang larawan (bagong window)

Isang chart na nagpapakita ng patuloy na pagbaba ng home sale price sa Toronto.

Litrato: Chart: Graeme Bruce Source: Toronto Regional Real Estate Board

May pagbagal din sa panig ng presyo, bagama’t hindi ito mas halata kaysa sa panig ng volume.

Ang average na presyo ng isang bahay na naibenta noong buwan ng Hunyo ay $1,146,254. Mas mataas ng limang porsyento kumpara sa parehong panahon noong nagdaang taon, ngunit patuloy itong bumabagsak sa loob ng sunod-sunod na apat na buwan.

Ang average selling price ay bumaba ng 14 porsyento mula sa peak na mahigit $1.3 milyon na naabot noong Pebrero.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita