1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pagbabakuna

Canada maaaring aprubahan ang 1st COVID-19 shot para sa pinakabata ngayong buwan: feds

Itatapon ng gobyerno ang 13.6 milyon na expired doses dahil limitado ang demand para sa bakuna

Isang vial ng Moderna COVID-19 vaccine.

Ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ay naging available sa mga bata edad lima pababa sa Estados Unidos noong Hunyo.

Litrato: Associated Press / Sean Rayford

RCI

Sinabi ng mga pederal na opisyal na ang COVID-19 na bakuna para sa mga pinakabatang paslit ay maaaring aprubahan ngayong buwan.

Nag-tweet ang Health Canada noong Martes na inaasahan nila na maaabot ang isang desisyon pagdating ng kalagitnaan ng Hulyo kung aaprubahan ba ang Moderna shot para sa mga bata na nasa pagitan ng anim na buwan hanggang limang taong gulang.

Ang Moderna ay nag-apply para sa bakuna nito na ibigay sa dalawang dosis, ang bawat isa isang quarter ng adult dose, at ituturok sa pagitan ng apat na linggo.

Sinabi ng ahensya na natanggap nito ang submission mula sa Pfizer-BioNTech noong Hunyo 23 para sa kanilang bakuna para sa mga bata edad anim na buwan hanggang apat na taon.

Sinabi ng tagapagsalita ng Health Canada na inaayos pa ng mga regulator ang timeline para i-review ang aplikasyon ng Pfizer-BioNTech.

Ang Canada ay magbibigay pa lamang ng awtorisasyon sa isang bakuna para sa halos dalawang milyon na bata edad lima pababa.

Ang Comirnaty vaccine ng Pfizer-BioNTech ay maaaring gamitin sa mga paslit na kasing bata ng limang taong gulang, at ang Spikevax shot naman ng Moderna ay naaprubahan para sa mga bata edad anim pataas.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita