1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Pagkain

Shortage sa fertilizer baka maapektuhan ang suplay ng pagkain sa 2023

Nagpataw ng taripa ang Canada sa Russian fertilizer noong Marso

Isang farmer sa bukid na may hawak na pananim.

Ang fertilizer ay mahalaga kung paano pinapalago ng Canadian farmers ang pananim, ani Mark Reusser ng Ontario Federation of Agriculture.

Litrato: CBC / Maggie MacPherson

RCI

Natatakot si Mark Reusser, ang bise presidente ng Ontario Federation of Agriculture at ng Waterloo Federation of Agriculture, na maaaring magkaroon ng shortage sa pagkain sa susunod na taon kung hindi makakakuha ng fertilizer ang mga magsasaka.

Pinataas ng global tariffs ang presyo ng fertilizer sa Canada, at ginawang mas mahirap para sa mga magsasaka na makakuha nito (bagong window). Naapektuhan din ang kanilang abilidad na palaguin ang kanilang mga pananim at ibang pang food resources, ani Reusser.

Kung hindi tayo magkakaroon ng access sa fertilizer, hindi lang tayo rito sa Ontario at Canada, ngunit sa buong mundo, magkakaroon tayo ng problema sa produksyon ng pananim at produksyon ng pagkain dahil maaaring hindi tayo makapag-produce ng sapat, ani Reusser, na nag-aalaga ng mga pabo sa halos 60 hektarya.

Kapag walang pagkain ang mga tao, nagiging unstable ang mga gobyerno, at hindi natin gustong makita iyon.

Sinabi ni Reusser hindi niya mahuhulaan ang posibilidad ng pagkakaroon ng fertilizer shortage, ngunit siya ay nag-aalala sa supply chain issues na resulta ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Binanggit din niya ang mga taripa sa Russian fertilizer na ipinataw ng Canada noong Marso. Ang 35 porsyento na taripa ay nag-a-apply din sa Belarus at ipinatupad matapos lusubin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero, na sinaktan ang suplay ng fertilizer (bagong window).

Naniniwala si Reusser na maaaring maapektuhan ang iba't ibang produkto na makikita ng mamimili sa estante ng grocery stores.

Close up na kuha sa mukha ni Mark Reusser.

Mark Reusser, isang farmer sa Waterloo County.

Litrato: Ontario Federation of Agriculture

Suspetsa ko na kapag naging limitado ang suplay ng fertilizer, ang mga magsasaka ay ia-apply ito sa mga pananim kung saan sila mas kikita, aniya. “Ibig sabihin ba nito ay hindi na namin itatanim ang ilang pananim? Hindi ko masasagot ang tanong na iyan, ngunit ito ay isang tiyak na posibilidad. Kapag nirasyon ang anumang produkto, kailangan mong gumawa ng mahirap na mga desisyon.

Hindi ko mahuhulaan ang mangyayari sa hinaharap, dagdag pa niya. Ang sasabihin ko lang ay ang suplay ng fertilizer sa ngayon ay hindi panatag, at kaming mga magsasaka ay labis na nag-aalala tungkol sa suplay para sa darating na taon, iyon ay ang pananim sa taong 2023.

Sinamahan pa ito ng katotohanan na ang Ontario ay nawawalan ng 120 hektarya ng farmland kada araw (bagong window) na hindi nakakatulong na panatilihin ang saganang suplay ng pagkain, ani Reusser.

Nararamdaman din ni Bryan Shantz mula sa Rosendale Farms sa Waterloo ang kakulangan, at hindi lang ito dahil sa fertilizer.

Ang gastos ng pagpapalago ng pananim sa 2022 ay tumaas nang husto mula 2021, aniya sa isang email. “Ang gasolina, fertilizer, crop protection products, lupain at labour ay lahat ng mga kadahilanan sa mas mataas na gastos sa produksyon.

Ang presyo ng grain ay kasalukuyang napakataas dahil sa mga isyu sa produksyon at suplay sa ilang mga bansa kasama ang Canada na nakaranas ng matinding tagtuyot noong 2021. Ang digmaan sa Ukraine ay naging sanhi ng major interruptions sa grain movement.

At para naman sa fertilizer, naniniwala si Reusser na kailangan natin pag-isipan muli kung saan tayo kukuha ng suplay.

Sa palagay ko ito ay isang leksyon para sa atin, at ang leksyon ay baka kailangan natin tingnan ang mga paraan kung paano magiging mas self-sufficient ang Canada in terms of fertilizer production.

Isang artikulo ni James Chaarani (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita