1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Trabaho

Mas maraming strike darating sa pagguho ng pag-uusap ng B.C. at public service union

Ang napakataas na inflation, proteksyon sa sahod ang key factors para sa mga empleyado, ayon sa BCGEU

Isang waste collector ang nakatayo sa tabi ng kalsada katabi ang mga recycle bins.

Isang waste collector ang nag-break habang naglalagay ng recyclables sa kanyang trak sa Vancouver noong Hunyo 28, 2021. Ang ilang staff sa mga munisipalidad at regional districts ay kinakatawan ng BCGEU.

Litrato:  CBC / Ben Nelms

RCI

Sinabi ng isa sa pinakamalaking unyon sa British Columbia na ang mga diskusyon sa gobyerno ay bumagsak.

Ayon sa isang pahayag mula sa B.C. General Employees Union (BCGEU) ang mga negosasyon sa Public Service Agency, na nagba-bargain sa ngalan ng probinsya ng British Columbia, ay gumuho noong Lunes.

Para sabihin na kami ay dismayado ay isang understatement. Sa kabila ng aming pinakamahusay na pagsisikap na i-bridge ang gap, tumanggi ang gobyerno na magpanukala ng isang proposal na tutugon sa pangunahing demand ng aming mga miyembro para sa cost-of-living protection, ani Stephanie Smith, ang presidente ng B.C. General Employees Union.

Halos 95 porsyento ng mga miyembro ng unyon na nagtatrabaho sa public service industry — kasama ang correctional officers, administrative staff at government employees — ay bumoto noong nakaraang buwan pabor sa pagsasagawa ng strike.

Tinukoy nila ang napakataas na inflation at ang pangangailangan para sa cost of living-based wage protection bilang mga pangunahing dahilan.

Ayon sa pahayag ng B.C. General Employees Union ang inisyal na mga diskusyon sa gobyerno ay naging positibo, ngunit bumagsak nang tumanggi ang probinsya na i-counter ang pinakahuling proposal ng unyon ukol sa sahod.

Sinabi ni Smith na ang alok ng gobyerno ay nauwi sa pagbabawas ng sahod.

Sinabi rin sa pahayag na ang B.C. General Employees Union ngayon ay nagpaplano ng strategic, targeted job action at pina-finalize ang essential services sa tulong ng Labour Relations Board.

Mahigit 180 na collective agreements na kinokober ang halos 400,000 na manggagawa ang kailangan i-renew sa B.C. ngayong taon. Ang strike vote ay nagbibigay sa unyon ng mandate na mag-strike kung hindi matutugunan ang mga kahilingan ukol sa sahod.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita