1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Mga Krimen at Mga Sala

UPDATED: 6 patay, 30 sugatan sa pamamaril sa Fourth of July parade malapit sa Chicago

Isang lalaki ang nahuli matapos ang nakamamatay na pamamaril sa July Fourth parade sa suburban Chicago

Nakakalat na gamit sa lansangan katabi ang mga sasakyan ng pulisya.

Ang mga abandonadong kagamitan matapos ang pamamaril sa Fourth of July parade sa Highland Park ngayong Lunes.

Litrato: Getty Images / Jim Vondruska

RCI

Anim na tao ang patay at 30 ang sugatan ngayong Lunes matapos ang pamamaril sa July Fourth parade sa isang Chicago suburb na tinatawag na Highland Park sa Illinois sa Amerika.

Ipinagdiriwang ang Independence Day ng Amerika ngayong araw, Hulyo 4.

Iniulat ng Chicago Sun-Times na ang parade ay nagsimula bandang alas-diyes ng umaga sa lokal na oras ngunit bigla na lang itinigil 10 minuto matapos ang mga pagputok. Nakita ng isang reporter mula sa Sun-Times ang mga kumot na itinakip sa tatlong duguang katawan. Ilang saksi ang nagsabi sa pahayagan na nakarinig sila ng mga pagputok ng baril.

Daan-daang tao na dumalo sa parade — ang ilan makikitang duguan — ang umalis sa parada, iniwan ang mga silya, baby strollers at mga blanket.

Sinabi ng pulis sa mga tao: Maghiwa-hiwalay kayong lahat, pakiusap. Hindi ligtas dito.

Sinabi ng mga pulis ng Highland Park sa isang pahayag nitong Lunes ng hapon na anim na tao ang napatay at 30 ang sugatan. Hindi malinaw kung ang anim na napatay ay kabilang sa 30 na sugatan.

Sinabi ni Highland Park Police Chief Lou Jogmen na pinahinto ng isang police officer si Robert E. Crimo III walong kilometro hilaga mula sa pinangyarihan ng pamamaril, ilang oras matapos silang mag-isyu ng isang public warning at inilabas ang kanyang litrato. Tumanggi ang pulis na agarang i-identify si Crimo bilang isang suspect ngunit kinilala siya bilang isang person of interest.

Isang artikulo ng The Associated Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita