1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Mga Paniniwala at Mga Relihiyon

Pope Francis pinabulaanan ang tsismis na siya’y magreretiro na

Ano ang sinabi ng Santo Papa tungkol sa usap-usapan na siya'y magreretiro na?

Kumakaway si Pope Francis.

Ang pinuno ng Simbahang Katolika, si Pope Francis.

Litrato: Reuters / Yara Nardi

RCI

Pinabulaanan ni Pope Francis ang mga tsismis na plano na niyang mag-resign anumang oras sa lalong madaling panahon sa isang interbyu sa Reuters, kung saan nagbigay rin siya ng pahayag ukol sa kanyang kalusugan at sa pagbaligtad ng Roe v. Wade sa Amerika.

Ang Roe v. Wade ay isang makasaysayang desisyon ng Korte Suprema ng Estados Unidos na nagsasabi na pinoprotektahan ng Konstitusyon ng Amerika ang karapatan ng isang babae na piliin ang abortion nang walang labis na paghihigpit ng pamahalaan.

Sa Canada, walang batas na nagbabawal sa isang babae na kumuha ng abortion. Ito rin ay na-decriminalized noong 1988. Legal ang abortion sa lahat ng yugto ng pagbubuntis sa bansa.

Panoorin ang ulat ni Megan Williams ng CBC News sa bidyo na ito:

Isang bidyo ng CBC News na isinalin ang caption sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita