1. Home
  2. Lipunan
  3. Paglahok sa Komunidad

Selebrasyon at pagninilay minarkahan ang ika-155 na kaarawan ng Canada

Ipinagdiwang ang Canada Day noong Hulyo 1 sa buong bansa

 Mga tao na may hawak na watawat ng Canada at pumapalakpak.

Ang Canada Day celebrators nakisaya sa Canada Day celebrations sa LeBreton Flats sa Ottawa noong Biyernes.

Litrato: The Canadian Press / Sean Kilpatrick

RCI

Ang unang in-person na selebrasyon ng Canada Day mula nang mag-umpisa ang pandemya ay ipinagdiwang sa kapitolyo ng bansa. Ang mga lumahok ay nag-enjoy sa mga kasiyahan noong Hulyo 1 mula sa live performances hanggang sa citizenship ceremonies para sa mga bagong Canadian.

Ang mga tao iwinawagayway ang maple leaf, pumapalakpak at nakatingin sa entablado.

Isang madla ang nagtipon sa LeBreton Flats Park para sa Canada Day mid-day show (archives).

Litrato: La Presse canadienne / Justin Tang

Libo-libong tao ang nagdiwang ng Canada Day in person sa Ottawa sa unang pagkakataon sa nakalipas na tatlong taon, minarkahan ang kaarawan ng Canada sa pamamagitan ng musika na may pagninilay tungkol sa rekonsilyasyon. Matatandaan na sinusubukan ng Canada na maghilom mula sa mapait na karanasan ng Indigenous Peoples o mga katutubong tao sa residential schools.

Isang grupo ng mga tao sa harap ng entablado sa downtown Ottawa.

Sa unang pagkakataon sa loob ng 60 taon, ang mga kasiyahan ay naganap malayo sa Parliament Hill (archives).

Litrato: La Presse canadienne / Justin Tang

Sa loob ng mahigit isang siglo, napilitan ang mga katutubong bata na pumasok sa residential schools na pinatakbo ng gobyerno at simbahan para matutong makibagay sa lipunan ng Canada. Karamihan sa mga batang ito ay hindi na nakabalik sa kanilang mga pamilya.

Samantala, ang mga tagasuporta naman ng Freedom Convoy ay nagbalik at nagmartsa malapit sa Parliament Hill noong Biyernes. Ang naturang convoy protest laban sa COVID-19 health measures at vaccine mandates ay naganap noong unang bahagi ng taon.

Mga taong may tangan na bandila ng Canada na nagtipon-tipon sa kalsada.

Ilang demonstrador ang nagtipon sa Wellington Street sa Ottawa. Sa grupo, makikita ang ilang dosenang watawat ng Canada (archives).

Litrato: Radio-Canada / Frederic Pepin

Mga bidyo ng CBC News at The National na isinalin ang caption sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita