1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

6 na buwang pagbabawas sa buwis ng gas at gasolina sa Ontario nagkabisa na

Ang buwis sa gas ay mababawasan ng 5.7 sentimo kada litro sa loob ng anim na buwan simula ngayong araw

Isang tao na nagpapagasolina ng kanyang sasakyan.

Masakit sa bulsa ang pagtaas ng gasolina sa Canada dahil sa inflation.

Litrato: Radio-Canada / Robert Short

RCI

Ang lehislasyon na pumasa noong spring ay makikita rin ang buwis sa gasolina, kasama ang diesel, na mababawasan ng 5.3 sentimo kada litro sa parehong period.

Sinabi ng gobyerno na ang naturang tax cut ay magkakahalaga ng $645 milyon habang ito ay ipinapatupad.

Ayon kay Premier Doug Ford ikokonsidera niya na i-extend ang hakbang matapos ang Disyembre 31 kung ang inflation ay mataas pa rin pagdating ng panahon na iyon.

Ang mga pagbabago ay dumating habang nakikipagbuno ang Ontarians sa abot-langit na mga presyo na naglalaro sa $2 kada litro sa buong probinsya.

Inaasahang mag-aalok ito ng kaunting kaluwagan sa mga konsumer ngunit sinabi ng mga eksperto na ang impact ng tax cut ay maaaring magbago dahil sa external factors.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita