- Home
- Kapaligiran
- Lagay ng Panahon
Environment Canada kinumpirma na 3 buhawi ang nanalasa sa Saskatchewan
Isang buhawi malapit sa Foam Lake ang nagpatumba sa mga linya ng kuryente at mga lalagyan ng butil

Isang tornado sighting sa Foam Lake noong Miyerkules.
Litrato: Tricia Kristjanson
Kinumpirma ng Environment Canada na tatlong buhawi ang nanalasa sa Saskatchewan Miyerkules ng hapon.
Ang mga buhawi ay malapit sa Foam Lake, Manitou Beach/Watrous at sa Cymric/Govan area.
Isinara ang Highway 16 dahil sa buhawi malapit sa Foam Lake, humigit-kumulang 200 kilometro hilagang-silangan ng siyudad ng Regina, na nagpatumba sa mga lalagyan ng butil at itinulak ang mga ito sa kalsada. Natumba rin ang mga linya ng kuryente at kinailangan na panandaliang huminto ng
CP rail trains, ayon sa federal weather agency.Ang Watrous at Manitou Beach area ay 150 kilometro kanluran ng Foam Lake. Ang Cymric/Govan area ay 100 kilometro hilagang-kanluran ng Regina.

Ang mga farm building ay nasira sa property na ito malapit sa Foam Lake noong Miyerkules, mula sa isang buhawi.
Litrato: Ibinahagi ni Riley Anthony
May dalawa pang posibleng touchdowns sa Cymric/Govan area bandang 6:00 n.g.
CST, na iniimbestigahan pa ng Environment Canada.Hail na kasing laki ng baseball
Mayroon din naiulat na hail na kasing laki ng baseball sa Dafoe, ang quarter-sized hail at napakalakas na ulan sa Cymric/Govan area, ang nickel-sized hail sa Janzen at dime-sized hail malapit sa Eatonia, ayon sa Environment Canada.
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.