1. Home
  2. Ekonomiya

Ontario lilimitahan ang maximum rent increase sa 2.5% para sa taong 2023

Probinsya itinaas ang allowable rent increases ngunit nilimitahan ito ng mas mababa sa inflation

Sign na nagsasbing for rent sa dingding ng gusali.

Mga apartment na inuupahan sa Toronto, Ont. (archives)

Litrato: Radio-Canada / David Donnelly/CBC

RCI

Itinakda ng Ontario ang maximum allowable rent increase para sa mga nagpapaupa sa susunod na taon na mas mababa kaysa sa rate na itinakda ng kasalukuyang record-high inflation rates (bagong window) ng Canada, inanunsyo ng gobyerno ngayong Miyerkules.

Sinabi ng muling nahalal na gobyerno ni Premier Doug Ford sa isang news release na nililimitahan nito ang increase dahil sa tumataas na cost of living.

Umalma naman ang Ontario New Democratic Party (NDP) at sinabi na maling mali na bigyan ng greenlight ang rent hike sa ngayon, iginiit din nila sa isang pahayag na ang mga tao ay pigang-piga na higit pa kaysa dati.

Ang provincial rent increase guideline — ang pinakamataas na increase na maaaring gawin ng mga nagpapaupa sa renta na hindi kailangan aprubahan ng Landlord and Tenant Board — ay tataas sa 2.5% sa 2023.

Batay sa Ontario Consumer Price Index, ang inflation ay magreresulta sa isang guideline na 5.3%, ayon sa isang press release ng gobyerno. Gayunpaman, nilimitahan ng probinsya ang amount na iyon para tulungan na protektahan ang mga tenant mula sa significant rent increases.

Ang rent increase guideline para sa 2022 ay 1.2% (bagong window).

Ang guideline ay mag-a-apply sa karamihan ng rental households sa ilalim ng Residential Tenancies Act ng probinsya — humigit-kumulang 1.4 milyon sa kanila. Hindi ito mag-a-apply sa mga bakanteng unit, community housing, long-term care homes o commercial properties.

Hindi rin kasama sa guideline ang rental units na inokupahan sa unang pagkakataon matapos ang Nobyembre 15, 2018 — ang petsa na tinanggal ang rent control (bagong window) ng Progressive Conservative government ni Premier Doug Ford para sa mga bagong gusali.

Itinutulak ng New Democratic Party ang isang rent stabilization law na iba-ban ang unlimited increases sa pagitan ng mga tenant, gayundin ang rent controls sa lahat ng mga bahay sa Ontario.

Kailangan tumigil na ito, sinabi ni New Democratic Party member of provincial Parliament Jessica Bell sa isang pahayag ngayong Miyerkules.

Kailangan natin ng isang premier na magpopokus na gawing abot-kaya ang housing, hindi ang isang premier na kumukuha ng mas maraming pera mula sa mga tao.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula sa CBC News

Mga Ulo ng Balita