1. Home
  2. Teknolohiya
  3. Internet

$123.9M na dagdag pondo inanunsyo para sa high-speed internet sa Arctic Quebec

Inaasahan na lahat ng 14 na komunidad ay magkakaroon ng access sa high-speed internet pagsapit ng 2025

Ang komunidad ng Kuujjuaq.

Ang Kuujjuaq, isang komunidad sa Nunavik, isang Inuit region sa northern Quebec.

Litrato: Eye on the Arctic / Eilís Quinn

RCI

Ang dagdag na $123.9 milyon para sa mas mahusay na internet service sa Nunavik, ang Inuit region ng Arctic Quebec, ay inanunsyo noong Miyerkules, ng Quebec, pederal at Kativik Regional Government (KRG).

Ang pera ay bukod pa sa humigit-kumulang $125 milyon na dating inanunsyo mula noong 2018.

Ang access sa high-speed internet ay hindi na isang luxury item para sa Canadians na nakatira sa malalaking rural areas, ito ay isang essential service para sa lahat, kasama ang Nunavimmiut [ang mga tao mula Nunavik], sinabi ni Lucy Kumarluk, bise-presidente ng Kativik Regional Government sa isang virtual news conference.

Ang demand para sa digital services ay mabilis na tumataas at ang high-speed internet access ay nagiging importante sa tagumpay ng mga indibidwal at komunidad.

Ang Kumarluk ay sinamahan ng mga ministro ng gobyerno ng Quebec at isang kinatawan ng Tamaani Internet, ang internet provider sa Nunavik, para sa pag-aanunsyo.

Kabilang sa pondo na inanunsyo ng iba’t ibang lebel ng gobyerno ang:

  • $79.9 milyon para i-extend ang submarine fibre optic network (bagong window) na magpapahintulot sa mga komunidad ng Akulivik, Ivujivik, Salluit at Kangiqsujuaq na makakuha ng high-speed internet access

  • $29.1 milyon para makapagpatayo ng isang fibre optic transmission network sa pagitan ng Kawawachikamach, isang komunidad malapit sa Schefferville, Quebec, at Kuujjuaq sa Nunavik, na magpapahintulot sa 1,119 households sa Kuujjuaq na i-access ang high-speed internet

  • $5.9 milyon para i-renew ang satellite transmission network sa Nunavik

Ang Nunavik ay may tinatayang populasyon na 13,000 katao, na may 14 na komunidad sa rehiyon.

Ang paglalagay ng isang fibre optic network sa Nunavik ay nagsimula na.

Ang 1,193-km fibre-optic transmission network ay naka-install na sa silangang baybayin ng Hudson Bay na nagkokonekta sa Cree community ng Whapmagoostui, at sa mga komunidad ng Nunavik na Kuujjuarapik, Umiuaq, Inukjuaq at Puvirnituq.

Ang Akulivik, Ivujivik, Salluit ay inaasahan na makakakonekta sa internet pagsapit ng Disyembre 2023.

Ang supply chain issues ay maaaring maapektuhan ang timeline kung kailan makakakonekta ang natitirang mga komunidad, ngunit inaasahan na ang lahat ng 14 na komunidad ay magkakaroon ng access sa high-speed internet pagdating ng 2025.

Bahagi ng artikulo ni Eilís Quinn (bagong window), Eye on the Arctic na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita