1. Home
  2. Ekonomiya

Canada kailangan ng 5.8M na bagong bahay sa 2030 para malutas ang affordability crisis

Sinabi ng CMHC na ang majority ng supply gap ay matatagpuan sa Ontario at British Columbia

Mga bahay na itinatayo pa lamang.

Ang kasalukuyang pace ng paggawa ng bagong bahay sa Canada ay iiwanan ang bansa ng 3.5M housing units na short para maging abot-kaya para sa lahat ang pagbili ng bahay, sabi ng Canadian Mortgage and Housing Corp. sa isang bagong report.

Litrato: Reuters / Mark Blinch

RCI

Sinabi sa bagong report ng Canada Mortgage and Housing Corporation (bagong window) na kailangan maitayo ang 3.5 milyon na bagong bahay pagsapit ng 2030 para matamasa ang affordability para sa lahat ng namumuhay sa Canada.

Sinabi ng housing agency na sa kasalukuyang pace ng pagpapatayo, 2.3 milyon pa na housing units ang kailangan na magawa pagsapit ng 2030, na dinala ang national total sa humigit-kumulang 19 milyon. Ibig sabihin ang dagdag na 3.5 milyon na units ay kailangan para maabot ang target na nakasaad sa report.

Binigyang-diin ng Canadian Mortgage and Housing Corporation na ang two-thirds ng supply gap ay matatagpuan sa Ontario at British Columbia, dalawang merkado na naharap sa major declines sa affordability.

Noong 2003 at 2004, ang average na household ay kailangang ilaan ang malapit sa 40% ng kanilang kinikita para makabili ng pangkaraniwang bahay sa Ontario, at malapit sa 45% sa British Columbia. Mula 2021, ang numero na iyon ay lumapit na sa 60%.

Sinabi rin ng report na ang dagdag na supply ay kakailanganin din sa Quebec, habang ang affordability sa probinsya ay bumababa sa nakalipas na mga taon.

Para maging abot-kaya ang pagbili ng bahay para sa lahat ng tao sa Canada ire-reqire nito na ang developers ay maging mas produktibo at gamitin nang lubos ang land holdings para makapagtayo ng mas maraming bahay, ayon sa Canadian Mortgage and Housing Corporation.

Sinabi rin ng ahensya na kailangang pabilisin at gawing mas epektibo ng gobyerno ang regulatory systems.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita