- Home
- Kalusugan
- Trabaho
Balik trabaho at nag-aalala na mahawa ng COVID? Hindi ka nag-iisa
Sinasabi ng mga doktor na magpokus sa pagpapabakuna at pagsusuot ng mask

Maraming Canadians ang nagbalik na sa trabaho ngunit nag-aalala pa rin tungkol sa COVID-19 (archives).
Litrato: Getty Images / alvarez
Habang kumikilos ang mga probinsya na alisin ang karamihan sa COVID-19 restrictions at mask mandates, maraming employees ang balik opisina na - gusto man nila or hindi.
Ang Angus Reid/CBC poll na isinagawa noong Marso ay nagpapahiwatig na maraming tao ang ayaw ng bumalik. Mahigit kalahati ng respondents (56%) ang nagsabi na maghahanap sila ng ibang trabaho kung pababalikin sa opisina, at halos isang quarter (23%) ang nagsabi na magku-quit sila agad.
Bukod sa work-life balance, ang ilan ay nangangamba tungkol sa pagiging exposed sa COVID-19 sa loob ng indoor spaces na maaaring walang sapat na ventilation at hindi na nagre-require na magsuot ng mask o magpabakuna.
Ngayon katabi mo na ang mga indibidwal na hindi nagsusuot ng mask, na alam mo 'yun, hindi ka tiyak kung ano ang kanilang vaccine status, na ngayon ay nagbibiyahe na araw-araw sa GO train o sa subway,
ani Mark Kozicki, isang senior manager sa isang financial institution sa Toronto.
PANOORIN | Paano hina-handle ng workplaces ang return-to-office dilemma:
Kahit ang pederal na gobyerno ay gustong i-maintain ang hybrid model para sa Parlamento dahil sa COVID.
Ngunit hindi lahat ng tao ay may ganitong option. Ano na ang dapat gawin ngayon?
Kung mayroon kang return-to-work policy, magkakaroon ng pagtaas sa mga kaso,
ani Dr. Donald Vinh, isang infectious disease specialist at medical microbiologist sa McGill University Health Centre.
Ngunit ang mga lugar ng trabaho ay ligtas
depende kung ikaw ay nagtatrabaho sa isang private o open-concept space, at kung may sapat na ventilation.
- Mas maraming tao ang balik opisina na, ngunit hindi ibig sabihin na gusto ito ng lahat (bagong window)
- Bakit kailangan mag-bend ng mga employer sa mas flexible na kinabukasan para maging competitive (bagong window)
Napakasimple,
ani Vinh, ang tanging bagay na maaari mong kontrolin ay ang iyong vaccination status at ang pagsusuot ng mask.
Sinabi ni Vinh na habang dumidistansya ay importante pa rin na limitahan ang COVID transmission, lalo na ang ventilation.
Ang problema,
aniya, ay walang major push para sa improvement ng ventilation sa buong bansa.
Ang anumang workplace na walang hospital level
ventilation, aniya, ay dapat ikonsidera na magsuot ng mask indoors. Ibig sabihin noon isang N95 mask o equivalent nito. Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.