1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pampublikong Kalusugan

Ano ang monkeypox na bakuna at sino ang dapat magpaturok nito?

Ang targeted na pagbabakuna ang dapat ipatupad ayon sa mga eksperto

Kamay na may hawak na hiringgilya at vial ng bakuna.

Inihahanda ng isang health-care worker ang syringe sa isang monkeypox vaccination clinic na pinapatakbo ng public health authorities sa Montreal.

Litrato: (Christinne Muschi/Reuters)

RCI

Habang ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng monkeypox ay patuloy na tumataas sa Canada, nagbigay ng bakuna ang mga infectious disease at public health experts sa mga taong nanganganib na mahawa ng impeksyon.

Dahil ang monkeypox at smallpox ay parehong parte ng pamilya ng orthopox viruses, sinabi ng mga eksperto na ang ilang bakuna ay gagana laban sa parehong sakit.

Ngunit ang mga bakuna na inirerekomenda na gamitin laban sa monkeypox ngayon ay kakaiba mula sa ginamit sa global effort noong nakaraang siglo para wakasan ang smallpox o ang tinatawag na bulutong, sinabi ng World Health Organization (WHO).

Ang ilang bansa ay na-maintain ang strategic supplies ng mas matandang smallpox vaccines mula sa Smallpox Eradication Programme (SEP), na natapos noong 1980, ayon sa interim monkeypox vaccination guidance na inisyu ng World Health Organization noong Martes.

Ang unang henerasyon ng mga bakuna na iyon na nakatago sa national reserves ay hindi inirerekomenda para sa monkeypox sa panahon ngayon, dahil hindi nila na-meet ang kasalukuyang safety at manufacturing standards.

Ang monekypox ay nagdudulot ng mga sintomas na kagaya ng flu at ng skin lesions. Kumakalat din ito sa pamamagitan ng close contact.

Basahin ang mas marami pang detalye tungkol sa monkeypox vaccinations sa Canada (bagong window).

Kaugnay na mga ulat:

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita