1. Home
  2. Politika
  3. Biyahe

Canada inaasahan na wawakasan na ang random arrival testing sa mga paliparan

Ang random arrival testing para sa fully vaccinated travellers ay malapit nang magwakas, ayon sa source

Isang lalaki na naka-mask tulak-tulak ang kanyang bagahe sa loob ng paliparan ng Toronto.

Dumadaan ang mga biyahero sa Toronto Pearson International Airport noong Disyembre 3, 2021.

Litrato: La Presse canadienne / Nathan Denette

RCI

Ang pederal na gobyerno ng Canada ay inaasahan na iaanunsyo ngayong araw ang nalalapit na pagwawakas ng randomized arrival testing para sa incoming travellers sa mga paliparan ng Canada, napag-alaman ng CBC News.

Bilang resulta, simula sa Sabado, Hunyo 11, ang hindi bakunadong mga biyahero lamang ang ire-require na kumuha ng test pagpasok sa Canada, sabi ng isang source na may nalalaman tungkol sa polisiya na hindi awtorisado na magsalita sa publiko.

Hanggang ngayon, ang fully vaccinated na mga biyahero ay sumasailalim sa COVID-19 testing pagdating sa Canada.

Ang pagbabago sa polisiya ay tinatawag na isang pause dahil ang random arrival testing ay masususpinde sa pagitan ng Sabado at Hunyo 30 — at maaari pa rin itong ibalik ng gobyerno.

Ang mga kritiko, kasama ang ilang public health experts, ay sinabi na ang ganitong klase ng testing regime ay hindi kailangan sa puntong ito ng pandemya. Tinawag nila ang polisiya na isang bureaucratic burden na nakakadagdag sa mahabang delays sa mga paliparan, na nahaharap sa baradong customs facilities.

Ipinagtanggol ng gobyerno ang arrival testing program bilang paraan para i-track kung ilan ang COVID-19 cases na nakakalusot sa bansa. Sinabi rin nila na ang programa ay maaaring gamitin para i-detect ang mga bagong virus variants of concern.

Inaasahan din ang gobyerno na iaanunsyo, sa mga susunod na linggo, na ang arrival testing para sa mga hindi bakunadong biyahero ay ililipat off-site — ibig sabihin ang mga biyahero ay hindi na mapupuwersa na magbigay ng sample para sa test sa airport. Ang pagbabago na ito ay mangangahulugan na maaari nang buwagin ng mga paliparan ang dedicated testing sites na kumakain ng espasyo sa mga customs hall.

Isang artikulo nina John Paul Tasker (bagong window), Chris Hall (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita