- Home
- Kalusugan
- Pampublikong Kalusugan
Ontario aalisin ang mask mandates sa Sabado, pati sa mga ospital at public transit
Ang pagsusuot ng mask ay mananatiling mandatory sa long-term care at retirement homes, sabi ng probinsya

Ang provincial masking requirements sa mga lugar tulad ng public transit, health care settings, long-term care homes at retirement homes ay nakatakdang mag-expire noong Abril ngunit na-move sa Hunyo.
Litrato: Radio-Canada / Evan Mitsui
Aalisin ng Ontario ang natitirang mask mandates sa Sabado, kasama ang mga lugar tulad ng ospital at public transit.
Ang mandates ay nakatakdang mag-expire 12 a.m. sa Hunyo 11, gayunpaman ang pagsusuot ng mask ay mananatiling mandatory sa long-term care at retirement homes, sinabi ng chief medical officer of health ng probinsya sa isang news release noong Miyerkules.
Sinabi ni Dr. Kieran Moore na ang sitwasyon ng COVID-19 ay patuloy na nag-i-improve sa tulong ng mataas na vaccination rates.
Ang mask ay inirerekomenda pa rin sa higher-risk congregate living settings, tulad ng shelters at group homes, aniya.
“Habang ang masking requirements ay nag-e-expire, ang mga organisasyon ay maaaring magpatupad ng sarili nilang mga polisiya," ani Moore sa release.
Sinabi ng University Health Network ng Toronto, halimbawa, kasunod ng anunsyo na ang mask mandate ay mananatili sa kanilang mga ospital, kasama ang Princess Margaret Cancer Care Centre, Toronto General at Toronto Western Hospitals.
Mayroon kaming mga pinaka-immune-compromised na mga pasyente sa probinsya at ang pagsusuot ng mask ay na-appreciate ng mga pasyente, ng kanilang Essential Care Providers at staff,
sabi ng UHN sa isang email.
Dapat magpatuloy na magsuot ng mask ang Ontarians kung nararamdaman nila na ito ay tama para sa kanila, kung sila ay high risk para sa severe illness, nagrerekober mula sa COVID-19, may sintomas ng virus o isang close contact ng isang taong may COVID-19.
Sinabi ni Moore na tatanggalin na rin ng probinsya ang mga direktiba para sa health care workers at mga organisasyon at papalitan ito ng patnubay sa Sabado.
Kasama sa patnubay kung kailan dapat isusuot ang mask sa mga ospital at iba pang health care settings,
aniya.
Sinabi ni Moore na ang probinsya ay patuloy na magmo-monitor para sa mga bagong variant of concern.
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.